7-Pouring Out

178 13 3
                                    


Is my sister in?" bungad ni Ethan nang pihitin ang doorknob at pumasok without knocking.

"Ethan!" I exclaimed in excitement.

"To my most beautiful sister in the whole universe," wika niya at iniabot sa akin ang malaking bag na may tatak Hermes.

"My, saan ko naman gagamitin 'to?" Tanong ko sa kanya nang hugutin ko mula sa lalagyan ang binigay niyang silver pouch na may nakapalibot na mga diamonds.

It looks so classy and expensive na parang hindi nababagay sa akin.

"Malay mo, may date kang pupuntahan." Nakatawang sagot nito. "I saw that in their boutique and I really like it for you kaya binili ko."

Ang isa na may tatak namang Michael Kors ay inilapag niya sa may couch.

He hugged me tightly. He was taking masterals at Harvard University kaya halos isang taon ko rin itong hindi nakikita.

"Nagtatampo ako sayo, hindi mo man lang ako tinatawagan," wika ko nang bumitaw ako sa kanya.

"Oo nga. Oh, how I missed you, sissy?" anito. "Alam mo bang wala akong nakitang kasing-ganda mo doon?" Nagbibirong sabi nito.

I made a face. "Hmp, binibilog mo lang ang ulo ko kasi may kasalanan ka sa akin."

"That's why I brought you this," nakatawang sabi niya nang ilabas mula sa paper bag na dala ang isang bag ng nips.

"Gosh, paano ko ba uubusin ito parang tatlong kilo ito ah," I said habang tinanggap ko ang iniabot niya ang isang malaking pack ng nips na dala nito.

"Bahala ka na diyan basta ubusin mo yan, di na baling mapudpod iyang magagandang ngipin mo!" He laughs as he teased me.

"Loko mo," sabi ko na kinurot ang kanyang tagiliran. Aba'y aabutin ako ng limang taon bago maubos ito.

"Seriously, I miss you so much," sabi nito.

"And I miss you so much too." I said nang tingalain ko siya.

"Why, I couldn't forget how good-looking you are?" Parang pang korean telenovela ang beauty nito na namana yata niya sa mommy niya. He's tall too at may kasingkitan ang mga mata nito at maputi.

Tumawa ito. "If I could only afford to break girl's heart then I can count and measure how my looks define me."

I rolled my eyes, "you're better than that, mister." Alam kong hindi ganoon ang ugali ng kapatid ko na halos ang mga babae na  rin ang nanliligaw dito ngunit pihikan din ata ito pagdating sa mga babae.

"Hahaha. Of course."

"So, how's life here?" Tanong nito nang maupo na ito sa upuan katapat ng table ko.

"As usual," kibit-balikat na sagot ko.

"O bakit parang nagniningning iyang mga mata mo?" Nakataas ang kilay na wika ni Ethan.

"Hindi ah," kaagad na sagot ko.

"Hmm, and you're blushing my sister." Patuloy na sabi nito.

"Shut up," birong angil ko sa kanya.

Humagalpak ang tawa ni Ethan sa loob ng opisina ko. Lagi iyong ganoon kapag binu-bully ako.

"Sheloh?" Wika ni Wena sa labas.

"Wena, come here," nag-aalala marahil ito sa akin.

Pumasok ito. "Look Wena hulaan mo kung sino ang narito," sabi ko at tumayo naman kaagad si Ethan pagkakita sa kanya.

The Perfect UnplannedWhere stories live. Discover now