01 | Who's Behind The Call?

11 1 0
                                    

"WHEN A JOKE TURNED INTO A MYSTERY"
"AT THE END OF THE DAY, YOU CAN ONLY TRUST YOURSELF"

Shane's POV

I'm currently waiting for the secretary dito sa kompanya, kung saan ako magtatrabaho. She's sitting beside me and checking my resume. Mayroon pa akong tatlong sinasagutan na forms. I'm applying to be a call center agent. It's not my dream, but the offer of this company is really high. Malaking tulong sa pag-iipon ko.

Kasalukuyan kong sinasagutan ang pang-apat na form . Hindi pa man ako nangangalahati, pero nagdagdag na naman ang secretary ng dalawa pang forms.

Hays. Ang hassle pala talaga mag-apply. It's my first job after all.

Tinapos ko ang mga ito at laking pasasalamat ko naman nang hindi na ito nagdagdag pa. Napangiti ako nang matapos ko ito. Marami rin kasi akong napagdaanan bago makapunta dito . Maraming tests at maraming chineck sa akin.

"I'm done, miss." I approached the secretary and I gave the papers. Tinanggap niya naman ito at nginitian ako.

"Thank you for your time, Miss Lazaro. You can leave."

"Thank you." I thanked her. Hinintay ko muna siyang makaalis, bago ako kumilos.

Kinuha ko ang aking cellphone, purse, at 'yong mga pinamili ko kanina na nakalapag sa lamesa. Inayos ko ang aking sarili at tuluyan nang lumabas mula sa opisina.

Sabik akong naghihintay ng taxi dito sa tabing-kalsada. Napagkasunduan kasi namin ng aking mga tropa na magkakaroon kami ng reunion ngayon. Matutulog din kami ng ilang gabi. Matagal-tagal na rin mula noong huli kaming nagkita. Simula kasi noong nag-graduate kami, madalang na kaming magkita.

"Para po!" Tawag ko sa dumaang taxi.

Hinintay ko muna itong tumigil bago lumapit at pumasok dito.

"Saan po tayo, ma'am?" Tanong ng driver sa akin.

"Sa may Ocampo Street po, kuya." Sagot ko at ibinaling ang atensiyon sa pagkakalikot ng aking cellphone.

Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Binuksan ko ng kaunti ang bintana, dahil prone ako sa car sickness. Mabilis akong mahilo sa mga biyahe.

Pinili kong mag-message sa kanila, para alamin kung nandoon na ba sila, o papunta pa lang. Sa bahay nila Anthony ang napili naming meeting place. Noong una, sa bahay namin ito naganap. Mga college students pa kami noon.

Me To Gutomers GC:

Hi guys! Nasaan na kayo?

Anthony sent a message to Gutomers GC:

Nasaan na kayo? Mapapanis na 'tong mga inihanda kong pagkain.

Napatawa ako ng bahagya. As if siya naman talaga ang nagluto ng mga no'n.

Me To Gutomers GC:

Papunta na ako. Malapit na.

Ibinaba ko ang aking cellphone nang maramdaman ko ang bahagya kong pagka-hilo. Umidlip na lamang ako.

"Ma'am, nandito na po tayo." Mga tapik sa aking braso ang gumising sa akin. Humikab ako at kinusot ang aking mga mata. Bumaling ako sa bintana at tanaw na tanaw ko na ang bahay nila Anthony.

"Salamat po."

Kumuha ako ng pambayad at ibinigay ito sa driver. Binuhat ko ang mga pagkaing binili ko sa convenient store kanina. Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papuntang bahay nila Anthony.

Creations of an Imaginative Mind Where stories live. Discover now