05 | To See Her

1 1 0
                                    

Kira.

I'm Kira. Sobrang tamad magbasa. Sobrang tamad pagdating sa mga gawaing bahay, pero sobrang sipag sa pag-scroll at pagcheck ng notifications sa fb. Puro games lang ang inaatupag. ML diyan , ML dito , at kung ano - ano pang mga laro. In short, masipag talaga ako sa pagiging tamad.

Marami akong ideas sa aking isipan pero hindi ko mapunta sa actions, kasi nga tamad ako. I kept all that ideas, until I discovered the world of Wattpad.

Wattpad. Isang application kung saan makakabasa ka ng ibat ibang klaseng libro. May romance, fantasy, horror, mystery, teen fic, at marami pang iba.

I was 12 years old noong nagsimula akong maging silent reader. Doon ko nakuha yung momentum kong magbasa. Although at times tinatamad pa rin, at least nabawasan na.

Years passed, I turned 14 years old. At may isang ideyang pumasok sa isip ko na nakapagpabago ng buhay ko.

Tulala at wala akong magawa noon .

Bigla akong napaisip.

What if magsulat ako?

Noong una, umayaw pa ako. Pero dahil may kaibigan din akong writer, pinasok ko rin ito kalaunan.

"Kira!" Napatigil ako sa pagsusulat ,nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa akin.

Nasa classroom ako at sinusulat ang susunod na kabanata ng kuwentong kasalukuyan kong isinusulat.

"Oh ,bakit? " Nilingon ko siya at bumalik sa pagsusulat.

Siya si Janna, best friend ko. Writer sa wattpad, at siya rin yung nag-introduce sa akin ng app.

"Uy excited na ako sa Update mo besh! Ship ko talaga yung characters mo!" Umupo siya sa tabi ko at hinampas - hampas ako.

Agad ko din itong hinampas pabalik. Akala ko makikiupo lang e. Manghahampas pa pala.

"Alam kong excited ka teh. Pero yung braso ko sobrang pula na. Ikaw kailan ba update mo? " Tanong ko sa kanya.

"Siguro bukas. Galingan mo diyan ah?," sabi niya at agad ko naman itong tinanguan.

"Oo naman. Para sa number one supporter ko." Nginitian ko siya at tuloy-tuloy na nagsulat.

Kinagabihan noon, sobrang bilis kong nagbihis at kumain. Masiyado akong excited para i-type at ipublish yung panibagong chapter na nagawa ko.

"Hayyyy , Chapter 6 out of 58." Mahina kong sambit. Sapat para ako lang ang makarinig.

Pabukas na ako ng laptop nang may hindi inaasahang nangyari.

Turn of events happened.

My excitement turned into complete despair.

"Kira, hindi na nakayanan ni Faye. " Yan ang mga salitang ibinungad sa akin ni papa, nang makapasok siya sa aking kwarto.

Para akong nawalan ng ulirat.

Hindi ako makagalaw, makapikit, makahinga. Higit sa lahat, parang na-blangko yung buong sistema ko.

Minutes, turned into hours. Hours, turned into days. Days, turned into weeks. Weeks turned into months. Pero hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Hindi pa rin mag-sink in sa isip ko.

Ate Faye is my supporter. She has a huge part in my life. Nabawasan ako ng isang dahilan para mabuhay, simula noong mawala siya.

Lahat naapektuhan sa akin. Pag-aaral ko, kalusugan ko, mental health ko, at marami pang iba. Ganoon kalakas yung impact ng pangyayari na yun sa akin. Nawalan ako ng gana sa lahat, at nadamay din ang aking Wattpad career.

Creations of an Imaginative Mind Where stories live. Discover now