04 | Umaasa Sa Tadhana

2 1 0
                                    

Intramuros , Manila

Enrico.

Ayon sa karamihan , tadhana raw ang dahilan kung bakit nagtatagpo ang dalawang tao. Tadhana raw ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Pero kung may isang bagay man na kinatatakutan tungkol dito, iyon ay kung paglalaruan ka niya.

Kaya ako? Todo asa ako sa tadhana na sinasabi nila. Todo asa , na sana maging mabuti ito sa akin. Lalo pa at maraming beses na niya akong binigo.

Nandito ako sa aming bayan at nagbubuhat ng mga kalakal. Hindi ako pinalad ng marangyang buhay, kaya todo kayod ako para may maitustos sa aking sarili. Namayapa na rin ang aking mga magulang at kapatid. Tuluyan na akong ulila.

Mga ka-trabaho at mga kaibigan ko na lamang ang tumutulong sa akin.

"Enrico! " Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko ito at napangiti nang makita ang kaibigan kong si Sebastian.

Mahahalata mo ang lubos niyang kagalakan mula sa kaniyang ekspresiyon.

Ibinaba ko ang aking mga buhat-buhat at inantay siyang maka-lapit sa akin.

"Anong kaganapan, pare? " Tanong ko sa kaniya.

"Ikakasal na kami ni Maria. Ika'y iniimbita sa handaan. Pumunta ka ah? " Pang-aaya niya sa akin at magaang tinapik ang aking balikat.

"Oo naman! " Masigla kong pagsang-ayon.

Saksi ako kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Ikaw ba? Kailan mo ba balak ? Naku! Dapat may mai-pakilala ka na sa amin." Pang-aasar nito.

Napailing nalang ako at napatawa.

"Mahirap ang mabuhay nang walang minamahal at walang minamahal. Kaya kung ako sayo, maghanap ka na ng magiging ka-biyak mo. " Pagpapatuloy niya sa kaniyang sinabi.

"Sa tamang panahon. " Simple kong sagot.

"Ah oo pala, nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Ginoong Benjamin? "

Tumango ako bilang kasagutan.

Si Ginoong Benjamin ay kilala sa aming bayan , bilang matagal ng kutsero. Ayon sa kumakalat na impormasyon , lahat daw ng mga binibining sumasakay sa kaniyang kalesa , ay biglang nawawala.

"Ganoon ba? O'sya mauna na ako. Kanina pa ako inaantay ng aking minamahal. " Pagpaalam niya sa akin. Nagpaalam na rin ako pabalik, dahil marami pa akong kailangang gawin.

Muli kong binuhat ang mga kalakal , at ibinenta sa bilihan ng mga ito. Itinago ko kaagad ang kaunting salapi na nakuha ko mula rito.

Gabi na at papauwi na ako, nang mahagilap ng aking mga mata ang Kalesa na pag-aari ni Ginoong Benjamin. Napakunot ako ng noo nang makarinig ng mga hikbi mula sa isang babae.

Naglakad-lakad ako upang hanapin kung saan ito nagmumula. Sinubukan kong lumapit  sa kalesa , at biglang lumakas ang mga hikbi.

Isang babae ang nakita kong nakaupo rito. Walang pag-aatubili ko itong nilapitan. Nanginginig siya at natatakpan ng dalawa niyang kamay ang kaniyang mukha.

"Binibini , anong nangyari? " Nag-aalala kong tanong.

Takot na takot ito at tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.

"G-ginoo.."

"Maari ko bang malaman kung bakit ka umiiyak? " Aking tanong.

Dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang mga kamay, at ako'y hinarap.

Creations of an Imaginative Mind Where stories live. Discover now