CHAPTER THIRTY

2.7K 83 49
                                        

Something's unusual, and I am really bothered about that.

I don't know if sa akin lang ba or talagang may pagbabago na nagaganap kay Lucca.

He's been acting weird lately. After what happened last time, hindi na sya nagpakita pa sa akin ulit.

I tried to contacted him but he just ignored me. Hayst, that two Martinez is making me crazy, big time.

"Oh, kape ka muna, init ng timpla ng mukha mo eh," Ani Iya habang inaabot sa akin yung binili nyang kape kanina.

Lagi na sila nandito. As in, everyday, kulang na lang dito na den sila matulog, jusko.

"Kape para sa babaeng di mapa-"

"Okay, chill. Hindi pa nga tapos eh. Sabi ko nga shut up na ako," Sabi agad ni Klyd habang nakataas pa ang dalawang kamay nya.

Paano pinandilatan naming dalawa ni Iya eh. Nakakairita kase yung lagi nyang pagsabat.

"Your due date is near! Excited na ako makita si baby!" Sigaw ni Iya at hinawakan pa ang tyan ko.

"Ako den. Sya na lang kase yung tanging bagay na nagpapalakas saken," Sabi ko at hinimas ang tummy ko.

Iya holds my hand, "Don't worry, Clay. Once we get back in the Philippines, unang taong hahanapin ko muna talaga ex mo, ipapasalvage ko lang," Sabi nya na may halong panggigigil.

"Sus, hoy, Iya, wag ka na mainggit dyan. Pwede naman tayong gumawa ng sarili naten na baby eh," Klyd said at nagtaas baba pa ng kilay.

"Kadiri ka!"

Hayst, kaya hindi den matahimik mundo ko paano ba naman dito sila bangayan ng bangayan dalawa.

Hindi ko na lang talaga alam if paano pa kaya sila sa iisang bahay, edi wala na.

I think that's their way kung paano lambingin ang isa't isa. Being irritated with each other is the meaning of love for them.

Sanaol. Ako, all my life, walang nagmahal saken.

I think I am not going to find my Prince Charming muna, I should wait. I should wait to heal my wounds.

"I am going to cook muna ha," I said at pumunta na sa kitchen.

Mom taught me how to cook shrimps with garlic sauce. One of my favorite dish talaga.

While frying the shrimps natalsikan ako ng oil. Kaya napasigaw ako.

Kaagad naman pumunta yung dalawa.

"Oh, gosh, Caylee Amelia naman!" Sigaw ni Iya at hinawakan yung natalsikan.

Hindi naman super grabe, pero nagred kaagad sya. At medyo mahapdi.

"Ako na gagamot," Sabi ni Klyd at kumuha ng first aid kit.

Okay, pareho naman silang magdodoctor eh. Sanaol na lang, same profession pa. Ang tatag nila.

"Be careful kase, paano pag wala kami dito?" Pang sesermon ni Klyd.

Wow ha, parang kanina lang tatarantado sya tapos ngayon? Sira ata utak talaga neto.

Pinaupo na nila ako at si Iya na nagtuloy ng niluluto ko.

"Iya is good at everything 'no? Sobrang perfect nya," I said out of the blue habang tinitingnan sya magluto.

"No, she's not. But Iya is strong, stronger than me, strong to make herself okay," Klyd said habang nakatingin den sya kay Iya.

I don't know but first time ko lang 'to sasabihin, Iya is lucky to have Klyd in her side.

Klyd is a type of person na kaya maging loyal kahit ipagpalit or saktan ng paulit ulit ni Iya. Para syang immune eh.

"Maybe this is the time para magmove on 'no?" I asked him and smiled.

"Ask your heart," He said at hinawakan ang kamay ko.

Kumain na kami after. Masarap den pala magluto si Iya, she said her Mom taught her daw.

After ilang hours ng pagkkwentuhan namin, umalis na sila. Tomorrow na lang daw ulit.

Dumating na den sina Tita tska yung pinsan ko.

"Hey, Clay, I am going to ask you this because I had to, okay?" Cat asked.

She sat down beside me at masinsinang tumingin sa mga mata ko.

"Hm?" Tanong ko na lang.

"Why you have pretty face, a nice body, kinda super smart, and especially a kind heart? In short what in the world you are perfect?" Pagrereklamo nya.

Natawa na lang ako, "Cuz, this is the only thing I will say, okay? Please hear me out," Pagseseryoso ko kaya nakinig talaga sya ng mabuti.

"Saktan at sirain mo muna buhay mo tapos magiging ganito ka na, ayon lang sikreto, trust me," I said at tinaas pa ang kanang kamay ko.

"Hayst, bakit ka kase masyadong pinagpala eh!" Umiiyak nyang sabi at nagdabog paakyat.

Natawa na lang ako. Ayon lang naman meron ako eh. Now, I understand how Gen felt.

She just wanted love, but why is it so hard to reach?

If only Gen was here, siguro nabatukan na nya ako about what happened between me and Mauve.

Binalaan na nya ako dati, kaso hindi ako nakinig. Look what happened, nagaya ako sakanya.

Bff goals, tangina.

________

Matutulog na sana ako but I suddenly wanted a fresh air so I opened the window in my room at dinama ang hangin.

Ang fresh ng hangin dito sa ibang bansa, wala lang, kapag sa Pilipinas kase masangsang amoy, dahil sa mga baluktot na kaisipan, sistema, at pamamalakad, psh.

Aalis na sana ako nang may mapansin ako. May sasakyan sa labas ng bahay namin at nakita ko may tao.

Lucca?!

Kinuha ko kaagad ang jacket ko at lumabas. I wanted to talk to him.

Medyo bonak kase hindi na nagparamdam. Ano ako ghinost nya?

"Lucca!" Tawag ko when I get out of the house.

Lumakad ako papunta sakanya. Medyo schock pa sya when he saw me.

"You, asshole! Bakit hindi ka na nagpakita saken?" Kunwari na pagtatampo ko.

He just chuckled, "Why? Do you miss me?"

"What if I tell you, yes?" Paghahamon ko sakanya.

"Then, good. Gumana plano ko," Aniya kaya kaagad ko naman syang pinalo sa braso.

I crossed my arms at medyo tumalikod sakanya.

"Joke lang, eto naman. I am just trying to love myself naman, but it turns out I keep on bumping into you, and keep on hurting myself," He said while looking at the ground.

He is anxious so I hold his hand.

"Who hurted you ba? You're my bestfriend, Lucca. You can tell me everthing," I said at tumango sakanya.

He held my hand back, "Yeah, and that fact will hurt me big time. Because of the word na 'hanggang doon lang talaga tayo'," He said firmly.

What is he saying?

"But, anyways, there's one thing that I always wanted to tell you," He said while looking into my eyes.

"What is it?" Curious na pagtatanong ko.

"The moon is beautiful isn't it?" He said sofly and smiled.

Kaya napatingin kaagad ako sa moon.

"Yeah, but the sky is peaceful as it is," I said thinking about Mauve again.

He smirk, "I can't be your sky, but I can be your moon to always light up in times of your darkness,"

_______

[A/N]

Finally, the end is so near, guys!! We've finally made this far, thankyou to all of you who make me do this achievement that I will treasure. 10 chapters left, hope sabay sabay natin subaybayan ang pagtatapos ng story ni Clay, thankyouu sainyo, I love you all mwa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNIVERSITY SERIES # 3Where stories live. Discover now