CHAPTER SIXTEEN

1.1K 42 0
                                    

I've been very busy because of the projects, deadlines, and requirements na kailangan.

Malapit na den kase ang graduation namin. Yes, graduation as a senior high school.

Im too young to graduate as a Senior High Student but wala akong magagawa. Maaga ako nag-aral, naaccelerate pa.

Busy den ako to look after Gen. She's broken kase. Gawd, sabi na hindi healthy si Ryle sakanya eh.

Paano ba naman binreak yung heart ng bestfriend ko.

One day I saw Gen na lang sa Hotel na umiiyak. I didn't talk about it muna kase ayoko naman na mapressure sya.

Alam ko na sasabihin den nya sa amin yon eventually. Enough na yung maparamdam namin na were here for her always in times like this.

And now pupunta kami sakanya, yes lahat kami, with Arlo, Lucca, and Shiloh.

Hindi na den muna kami nakakapagkita ni Mauve, busy kami pareho sa field namin.

Break muna sa paglandi, my friend needs me.

"Clay, nandito na sundo mo!" Kuya shouted.

Kilala na den naman nila sina Arlo, and I must say na sa lahat ng lalaki sakanila lang si Dad may tiwala, and I don't even know why. Dinaan ata sa dahas ng mga to eh.

"Wow, gumanda ka ah. Ano sikreto?" Pang bungad ni Shiloh kaya kaagad kong nakaltukan.

Gawd!

"Hoy, wag mong kalimutan na nasa pamamahay kita," Sabi ko sabay irap.

Nauna na ako maglakad palabas at hindi ko na sila inantay pa. Malamang sa malamang makikipagusap na naman sila kina kuya.

Ako yung kaibigan oh, mga walangya.

Nauna na ako sa car but few minutes lang, dumating na den sila.

"Hey, you glowin' brat, how'd you do that?" Arlo asked.

What the fuck? Wala ba akong glow up para sabihan nila ako nyan. Dude, that's insulting.

"Hey, watch your words," Sabi ko at nagcross arms pa.

And napasecond thought ako, if between me and Gen, sino ang mas brat? I think its me, pero mas matigas ulo ni Gen, pero mas pabebe ako.

"Sino ang binata na nagpabihag sa puso ng aming dalaga?" Ani Lucca.

Sabi na dapat humiwalay na lang ako ng kotse eh, hindi nila papatahimikin kaluluwa ko.

After a while, nakapunta na den kami sa bahay nina Gen.

Everyday kaming pumupunta sa bahay nila, para may makasama at makausap sya.

She's too broken, and hindi ko alam if paano ko yon mapapagaan.

Alam na den namin yung reason, nagbreakdown sya noong cinomfort namin sya.

I know its hard. Its really hard, kase naranasan ko na den, kaso short period of time lang, pero sineryoso ko.

"What are you thinking?" Shiloh asked.

"I am thinking that why did I even go with you, guys,"

Pumasok na kami sa bahay nina Gen and yeah, super laki as usual. Hindi pa den ako masanay.

Malaki yung bahay namin, same with these dorks, pero mas malaki kina Gentry. Although, tatlo lang naman sila, gawd.

"Hi guys!" Gentry shouted.

Sa lagay nyang yan, parang nakamove on na sya. Pero alam ko hinde. She is hiding her feelings.

Pinapasok nya kami then nagulat kami ng may nakaset up na don na mga alcohols.

UNIVERSITY SERIES # 3Where stories live. Discover now