[MATURED CONTENT]
Jieven courted me and hindi ko yon pinatagal, sinagot ko sya kaagad. Coz, bakit mo pa papatagalin kung gusto mo naman yung isang tao. In the process of loving him, you'll get to know him den naman.
Patago lang yung relationship namin, ayokong malaman ng parents ko, kase alam ko na pipigilan nila ako. Bawal pa ako sa mga ganto, dapat ang focus ko lang daw is pag-aaral. Ako ang heiress kase ng Andrade, at alam ko na yon.
Daddy ko ang panganay sa apat na magkakapatid na Andrade. 3 boys and 1 girl, parang kami lang nina kuya. At bawat isa sakanila pinamanahan ni lolo ng mga business.
Kay Kleo, which is my Dad, Andrade's Ville, kina Tito Syd naman Hospital, kina Tita Ariella naman Resort, and lastly kina Tito Gio, which is dad ni Claui, Clothing brand naman sakanila. All of them were successful until now.
Walang history sa amin ang nagfailed. Lahat ng mga tito at tita ko, even my Dad and Mom, ay successful na in their profession. Lahat ng courses at strand namin magpipinsan ay dapat in line sa family business namin.
But I am not going to take Engineering nor Architecture, that field is not that I want. I want to build my own legacy.
"Ate Caylee, they were waiting na sa baba," Ani Ram na busy sa phone nya, ni hindi man lang tumingin sa akin.
Panigurado he is playing ml na naman. Ano ba kaseng napapala nila don? I tried once dahil sa mga kapatid kong tatlo, pero umpisa pa lang, nabato ko na cellphone ko. Paano ba naman kase puro ako yung target ng kalaban, ayon puro patay ako.
Umirap ako at bumaba na. Sayang, kausap ko pa naman si Ven. Bebe time namin, istorbo naman pamilya ko.
"Grabe ha, babad na babad sa pag-aaral," Ani Claui na nakatingin sakin na nakangiti pa.
Ngumiti ako pabalik, "Of course, studying gives me strength kaya," I said and winks at Claui na kaagad naman nyang ikina simangot.
Paano ba naman bitter si gaga. Wala kaseng jowa.
"How's school, Caylee?" Asked Tita Ariella.
Lahat ng tita at tito ko super favorite ako at tuwang tuwa sila sa akin. Its like, para akong anak ng iba't ibang pamilya.
"Its fine naman po, Tita. Ako pa den po ang overall number one in La Salle Senior High Department, so you don't have to worry about it po," I said habang kumukuha ng mga seafoods, my fave.
My Dad smiled, "You never failed to amazed us, to not be a disappointment,"
"Kaya kayo kids, be like Caylee okay? Make her your role model," Ani Tito Syd na pinang ayunan naman ng iba ko pang tito.
"How do you maintain your grades Ate Caylee?" Cali asked, bunso nina Tito Syd at Tita Carla.
I smiled, "I am not doing anything special naman para lang maging number one, ginagawa ko lang kung ano yung dapat at responsibility ko," I said.
Masaya ako kase madami na akong achievement from kinder hanggang ngayon. Kaso masyado na akong nasasakal. Bawal maintain grades kay Dad, kailangan tumaas 'yon.
"Sus, kung ako sainyo, kuhain nyo na lang yung mga worksheets at workbook ni Clay, tapos gawin nyong kodigo, kase kahit anong gawin nyo hindi magiging katulad ng utak nyo yung sakanya. Wag nyo ng pahirapan pa yung sarili nyo, may kokopyahan naman kayo," Ani Cedric na ikinatawa naman namin.
"Ako na bahala sainyo," Ani Kuya Karius.
"Ikaw pa ha, eh isa ka den na nangangailangan ng kodigo," Pang-aasar naman ni Kuya Symon.

YOU ARE READING
UNIVERSITY SERIES # 3
Teen FictionWhat would happen if a girl who's life is almost perfect, become a disappointment to her family? What kind of life is next for her? Will her life continues to be miserable? Or will she be able to go through with it, with her Sky?