Kabanata 1

1.1K 24 0
                                    

Kabanata 1

"Dito na lang ako," sabi ko nang makita ang bahay namin.

It was made out of woods. Light materials lahat, mula labas at loob ng bahay. Nasa pinakahuling bahagi ng Purok Rita ang bahay namin. At ang nasa hulihan naman ng bahay namin ay ang tubuhan na at ang mansyon ng mga Lacson at ito lang ang natatanging naka palibot sa amin.

Tinigil naman ng lalaki ang kotse nito sa gilid kung saan nakatayo ang dalawang kahoy na magkatabi. Nasa harap na bahagi ng dalawang kahoy ang bahay namin. Ang dalawang kahoy na nasa tapat namin ay ginawan ng upuan ng mga nagpuputol ng tubo para may puwesto sila kapag namamahinga kaya merong mga nakatambay na tao roon paminsan minsan. Katulad na lang ngayon.

Makikita sa mga mukha ang pagkamangha pagkakita ng kotse dahil minsan lang kung may kotseng maligaw sa amin. 'Pag merong okasyon lamang ang mga Lacson napupuno ng kotse ang daanan. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon.

Alinlangan akong humarap sa lalaki na ngayon ay linilibot ang tingin sa buong lugar. Parang kinikilala rin nito ang mga tao na nasa harapan ng bahay namin.

"Ahh, salamat pala..." sabi ko, nahihiya.

He genuinely smiled at me. "You're welcome and I'm deeply sorry for your shirt," he said.

Tumango ako. Hindi talaga alam ang gagawin. Tinignan ko ang seatbelt. Paano ba ito kalasin? Tumingin ako sa lalaki at ngumiti ng pilit.

"Uh, paano 'to?" I asked him, then I eyed the seatbelt.

Hindi ko siya tinignan. But I heard how he laughed at my stupidity.

"You're cute," he said.

Nagulat ako. Nanlaki ang matang napa-angat ng tingin sa lalaki. Pilit kong hindi pinansin ang sinabi niya dahil mas lalo lang akong nahihiya.

Dumukwang siya ng konti sa akin at kinalas na ang seatbelt sa kaliwang bewang ko. Laking pasasalamat ko nang makalas na niya ang seatbelt dahil alam kong pumupula na ang mukha ko. Nakahinga na ako ng maluwag dahil doon. Agad kong inayos ang suot ko at yumuko ulit.

"Salamat ulit, uh... bababa na ako," sabi ko.

Binuksan ko na ang pintuan sa side ko at bumaba.

Hindi ko in-expect na bababa rin siya at mas lalong hindi ko in-expect ang sasabihin ng mga tao na nakatambay sa labas ng bahay namin.

"Magandang hapon po, Sir Larkin. Napadalaw kayo?" sabi ni Tiyoy Norbing. He also eyed me suspiciously.

"I will be staying here for good na po. Request kasi ni Mama La," magalang na sagot nito sa matanda.

"Mama La? Ikaw na ba iyong apo ni Senyora Lana na parating kinukuwento nitong nakaraan dahil dito na raw mag-aaral at titira?" sunod na tanong ni Tiyay Sonia, katabi ni Tiyoy Norbing.

Tumawa ang lalaki. "Opo, ako po iyon," anito at sekretong bumaling sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumalikod at tahimik na tinungo ang bahay. Pero bago tuluyang makapasok, narinig ko ang tanong ni Tiyoy Norbing.

"Ba't mo pala kasama si Alina?"

Hindi ko narinig ang sagot ng lalaki dahil tuluyan na akong pumasok sa bahay namin. Habang nasa banyo at naghihilamos ay narinig ko ang ingay ng sasakyan nito na tanda na umalis na ito sa harap namin.

Agad akong nagpalit ng damit pambahay at linabhan ang t-shirt na nadumihan. Nasa likod ako ng bahay namin dahil nandoon ang pinagkukuhanan namin ng tubig.

Mabuti na lamang at agad na nakuha ang dumi at hindi ako ganoong nahirapan.

Tapos na akong magsampay at linalagay ko ang timba sa lalagyan nito nang marinig ko ang sigaw ni Mama.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz