Kabanata 23

325 6 0
                                    

Kabanata 23

Higit sa dalawang oras ang biyahe papuntang Iloilo pag roro. Pagtapak na pagtapak ko sa port ng Dumangas ay sumakay ako sa mga tricycle na nakaparada sa labas ng gate ng port.

Hindi ko alam kung saan pupunta. Wala akong kilala dito sa Iloilo. Kahit na mga malapit na kamag-anak ay wala.

Mabilis lang ang byahe patungo sa paradahan ng jeep. Merong dalawang pagpipilian. Merong jeep na papunta sa Ticud, Lapaz at merong sa Tagbak Terminal.

Habang pumipili ng sasakyan ay nakaramdam ako ng gutom. Pumunta ako sa malapit na nagtitinda, at bumili ng tubig at isang tinapay.

"Ah, alam niyo po ba kung saan merong boarding house sa siyudad?" naglakas loob na akong magtanong.

Kumunot ang noo ng babae. Bumaling ito sa anak niya na nakaupo sa likod nito at tinanong.

Humarap ito sa akin. "Pasensya ka na, pero sa Lapaz, mukhang hindi nagkakalayo ang edad ninyo ng anak ko at parang nag-aaral ka pa rin. Sa Lapaz doon merong mga boarding house na malapit sa mga paaralan," ani nito at nginitian ako.

"Salamat po," sabi ko at kinuha na ang linagay kong biniling pagkain sa estante ng maliit nitong tiangge.

Kahit walang kaalam-alam ay sumakay ako sa Ticud, Lapaz na jeep. Hindi ko na natingnan ang oras pero nasa isang oras ang byahe. Bumaba ako at agad na nagbayad sa driver. Merong dinaanan na plaza kanina ang jeep kaya bumalik ako doon.

Naglibot-libot ako pero wala akong nakitang boarding house. Pumunta ako sa 7/11 na kung nasaan mayroong nakaparada na trisikad driver.

"Manong, meron po ba kayong alam na boarding house malapit sa kahit anong eskwelahan dito?" tanong ko sa lalakeng driver na nasa unahan ng pila.

Bumaling ito sa likod at nagtanong din sa kasamahan nito.

"Diretsuhin mo lang iyan daan, Ineng. Meron kang madadaanan na eskuwelahan at medyo malayo pa, pero nasa harap ng bridal gown rental merong daan papasok, merong pangupahan diyan," sabi nito.

"Pasakayin mo na lang iyan ng jeep. Ang bigat ng dala niyan oh, papagabi na rin," sigaw ng isang kasama nito sa likod.

"Pwede rin, Ineng. Sakay ka na lang ng jeep sa harap ng police station at bababa ka sa bridal gown rental," suhestiyon ni Manong.

Tumango ako at binigyan ito ng ngiti. "Salamat po," sabi ko dito.

Tinungo ko ang police station at tumawid sa kabilang kalsada. Sumakay ako ng jeep. Nasa bawat gilid ang tingin ko para makita agad ang bridal gown rental na sinasabi ni Manong.

Pumara, nagbayad, at bumaba ako sa jeep ng makita iyon. Hindi ko na kailangan tumawid dahil binaba ako ng jeep sa mismong daan. Merong parang naglilinis ng mga sasakyan sa gilid at bahay sa kabilang gilid nito. Pumasok ako papasok sa daanan at agad natungo ang parang bahay na nasa gitna at merong daanan sa parehong gilid nito.

Hindi ko na siguro kailangan lumibot pa dahil ang bahay na nasa gitna ay mayroong karatulang nakasabit na 'space for rent'.

Tanging kahoy lamang ang tarangkahan. Hindi ko alam paano ako kakatok nito.

Yinugyog ko ang kahoy na gate at lumikha naman ito ng ingay. Ilang minuto ko iyon ginagawa hanggang sa may lumabas na isang babae na maliit, medyo puti ang buhok at halatang tinta na itim na lamang ang linalagay nito dito, at parang galit.

"Ano?" galit na tanong nito, walang kangiti-ngiti at nilagay sa parehong gilid ang mga kamay.

Lumunok ako laway. "Ahh... Meron pa po bang bakanteng-," pinutol nito ang sinabi ko.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Where stories live. Discover now