Kabanata 4

569 16 0
                                    

Kabanata 4

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi ko iyon nahahalata dahil parang lumulutang lang ako sa mga araw na lumipas.

Kung dati, kasama ko si Nadia at kaming dalawa lamang. Ngayon, nadagdagan na kaming dalawa ng tatlo pang kasama. Astro and Larkin are always there, like, complete attendance. Perfect. Hinahatid pa ako pauwi ni Larkin, minsan kasama si Matthan pero minsan din wala. Busy kasi raw ito sa girlfriend nito na taga-Iloilo. Hindi na ako nagtanong kay Larkin tungkol sa pinanggagawa ni Matthan dahil alam kong ayaw pa nitong ipaalam sa amin. Pero nakikita ko siyang kasama ang Figueroa na pinag-uusapan namin noong nakaraan. Nagkakamabutihan na siguro.

Pumasok ako sa room, nagmamadali. Malapit na akong ma-late kapag hindi ako magmamadali. Umupo ako sa upuan at linibot ang mata sa buong room. Halos lahat nandito na. Naunahan pa ako ng tatlong itlog. Parating late o 'di kaya'y last minute before time sila dumadating sa room kaya himala na naunahan nila ako.

"Kanina pa kayo?" tanong ko kay Larkin.

I think this is his favorite position. 'Yung nakayuko ang ulo nito at nakapikit habang naka-upo. Pero 'pag ganoon ang posisyon niya hindi naman siya tulog, sabi nito. Malakas kasi ang boses ng mga kaklase namin minsan. Hindi siya siguro sanay sa gano'n.

Umayos ito ng upo at bumaling sa akin. Namumula pa ang mata nito. Tumango ito sa akin at tumingin kay Matthan at bumalik ulit ang tingin sa akin.

"Pinapabilis niya kami kanina. Wala naman siyang ginagawang matino rito pero hindi ko alam ba't siya excited na pumasok," sabi nito.

Tumingin ako kay Matthan. Nasa cellphone pa rin ang atensyon nito. Sigurado akong narinig niya si Larkin pero hindi niya ito pinansin.

"By the way, Alina," nakuha ni Astro ang atensyon ko.

Bumaling ako sa kanya. Hinintay ang tanong nito.

"Do you want to come with us? This saturday," sabi nito.

"Saan?"

"Buenos Aires."

Tumango ako, hindi na nagdalawang-isip pa. "Tatanungin ko si Mama mamaya," sabi ko sa kanya.

"Bakit? Anong okasyon?" tanong ko kay Larkin pagbaling sa kanya.

Bumalik na kasi sa ginagawa si Astro. Ayaw ko na siyang tanungin baka magalit.

"Wala lang. Pampawala ng stress," sabi nito.

Hindi na iyon nasundan pa dahil pumasok na 'yung teacher namin.

Noong hapon na 'yon ay binaba ako ni Larkin sa bahay. Pumalit sa kinauupuan ko si Matthan na nasa likod ng sasakyan kanina. Hindi rin pala sumasabay si Astro dahil dala na niya palagi ang sasakyan nito upang mahatid si Nadia sa bahay nila. Si Matthan naman ay tinatamad mag-drive kaya nakiki-angkas na lang.

Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok. Wala pa si Mama sa bahay. Nagsaing muna ako at pinasok ang bag ko sa kuwarto dahil nilagay ko muna sa isang upuan sa sala.

Hindi naman nagtagal nang matapos ko ang pagsa-saing at dumating agad si Mama.

"Luto na?" tanong agad nito.

"Opo."

Kinuha ko sa kanya ang plastic na dala at pinatong ito sa lamesa na nasa kusina.

"Ma," tawag ko rito.

Nasa kusina siya tinignan ang sinaing ko. Bumaling ito sa akin na nakataas ang isang kilay, hinihintay ang tanong ko.

"Uh... Tinanong kasi ako ni Astro," tumango ito. Matagal na niyang kilala ang tatlong Lacson dahil minsan na silang pumunta dito sa bahay. "Kung gusto ko bang sumama sa kanila sa Sabado, sa Buenos Aires," dugtong ko.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon