Kabanata 30

440 7 0
                                    

Kabanata 30

Tahimik akong kumain sa upuan. Si Bekah lang ang nagkukwento pero hindi ko ito pinapansin.

Parati akong sumusulyap sa kaharap na bilugang lamesa. Nandoon si Larkin naka-upo kasama ang ibang lalaki.

"Sila ba 'yung gagawa sa bagong building?" tanong ko kay Bekah.

Tumigil ito sa pagsasalita at tiningnan ang sa harapan namin.

"Siguro. Hindi ko rin alam e," sabi nito.

Napatango ako.

Patuloy pa rin ako sa pagsulyap pero hindi man lang tumingin si Larkin sa pwesto ko. Alam kong alam niya kung nasaan ako naka-upo dahil siya ang kaninang naghatid ng tray namin.

I sighed and finished my food. Meron pa akong klase. Ayusin mo ang takbo ng utak mo, Alina!

Huling sulyap kay Larkin at lumabas na kami sa main canteen.

Hinatid ni Bekah si Ma'am Esther sa room nito. Samantalang nauna naman ako sa room ko dahil magkatabi lang ang main canteen at ICT building.

Mabilis na natapos ang klase ko no'ng hapon na 'yon. Matapos linisan ng estudyante ko ang kwarto ay umalis na rin ako. Bago ako lumabas sa building ay may tumawag sa akin.

"Ma'am Alina!"

Sumulyap ako sa likod ko. "Sir Luke!" bati ko sa kanya at ngumiti.

Ngumiti rin ito sa akin at lumapit lalo.

"Pauwi ka na?" he asked me.

We started walking out of the building.

I nodded my head. "Oo."

"Hatid na kita sa inyo."

Tumigil ako at hinarap siya. Binigyan ko muna ito ng ngiti bago sumagot. "Huwag na. Walking distance lang naman ang bahay namin."

"It's okay. I'm gonna bring my car."

"Hindi talaga kailangan, Sir Luke. At isa pa," tumigil ako at tinuro ang likod nito. "Naghihintay na doon ang estudyante mo."

Mukhang naalala nito na merong naiwan na estudyante. "Oh, right. Sige sa susunod na araw na lang 'pag maaga ang last class ko. I don't take 'no' as an answer, 'kay?"

He took steps backward but still facing me. I bobbed my head para umalis na ito. Tumalikod ito sa akin at tinakbo ang papunta sa room nito na nasa first floor ng School for the Future na building.

Muntikan pa itong matumba dahil hindi nito nakita ang isang batong naka-usli at aksidenting naapakan. Mabuti na lang at nabalanse nito ang sarili. Hindi ito tuluyang nakipag face to face sa lupa.

Napailing akong ngumisi. Tumalikod at nagsimula ulit maglakad.

Sir Luke has some good features. Isa nga ito sa mga pinagkakahumalingan ng mga guro at estudyanteng babae sa school. But, I think he's just too much for my liking kaya hindi ko ito gaano pinapansin.

Pumasok ako sa maliit na kwarto para mag-log out gamit ang biometrics. Agad akong lumabas at nginitian ang mga guards namin.

Kinabukasan, sabay naman kaming tatlo na pumasok sa school. Lumihis sa amin si Ma'am Esther dahil sa Pagcor ang room nito at malayo-layo sa amin.

Dahil maaga pa at tatlo pa lamang ang estudyante ko. Napagdesisyunan kong buksan ang facebook ko. It's been how many months since the last time I opened it. Messenger lang kasi gamit ko at hindi na ako bumisita sa Facebook.

Merong iilang notification. Mga naglike at comments sa mga tagged posts sa akin ni Ma'am Esther.

Meron ding friend request mula sa estudyante ko. Medyo marami rin iyon. Pero hindi ako naga-accept pag friend request at galing pa iyon sa isang estudyante.

Wild Early Days (Lacson Series #1)Where stories live. Discover now