CHAPTER 20: FRIENDZONED

1K 45 36
                                    

Jastine's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari samin sa rooftop. Hindi ko ineexpect na mangyayari yon to be honest. Pero masaya ako na atleast ngayon hindi ko na kailangan pang itago kay Max yung totoo kong nararamdaman sa kanya, pero a part of me saying na baka trip niya lang ito? Baka sinusubukan niya lang ako? Hindi ko alam. Siguro susubukan ko nalang? Susugal nalang ako tutal para naman sa taong mahal ko.

HINDI na ko pumasok sa class ko. Nasa kotse kami right now at may pupuntahan daw kami. Gusto ng aking boyfriend na ituloy namin ang naudlot naming date kahapon. Kahit pala sinusungitan ako neto ni Max ko may lihim na pagtingin pala sakin at may tinatago din palang ka clingy-han. Haynako!

"What's wrong babylove?"

Nahuli niya akong nakatingin sakanya.

Wait—babylove?

"Babylove? Pffft bwahahahaha!"

Sobrang tawang tawa ko sa kanya, bakit babylove HAHAHAHA!

"Why? Anong masama sa babylove? Eh ikaw ang baby ko at ikaw lang ang love ko." Seryosong saad niya.

Naks. Kinilig naman ako don. Okay na din pala ang babylove hihihi!

I pinched his right cheek.

"Asus... Hindi ako sanay na ganyan ka. Ang Max kasi na kilala ko lagi akong sinusungitan." Pabiro kong sabi.

Hinawakan naman niya ang kamay ko habang naka-focus pa din sa pagmamaneho.

"Edi masanay ka na ngayon. Because I promise, I'll do everything just to feel you that my love for you is true."

Bumaling siya sa akin and then he winked. Grabe parang hihimatayin ata ako sa kilig! Di ko kinikeri pagka cheesy nitong si Max! Ano kayang nakain niya ngayon para mabili ko na at mapakain sakanya araw-araw, para naman araw-araw din siyang ganyan.

"Naks parang tula lang ah. Sige na tumingin ka sa kalsada baka mabangga tayo niyan." Sagot ko sakanya. Hindi ko pinahalatang kinikilig ako haha!

Habang nakatingin siya sa daan, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Napangiti nalang ako sa ginawa niya.

Tama na ang pagpapakilig sakin Max, baka tuluyan na akong himatayin dito. >.<

AFTER a few minutes, Nakarating kami sa isang familiar na ice cream parlor. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Max na kunwari walang alam.

"Kakain ng ice cream babylove." Sagot naman niya.

Wow naman napaka laking tulong ng sagot ni babylove.

kinuha niya kamay ko and then he intertwined his fingers to mine.
At naglakad papunta sa pinto ng ice cream parlor.

Inirapan ko lang siya sa sagot niya. Ang tino-tino ng tanong ko eh.

"I'm just kidding babylove. Ofcourse itetreat kita ng ice cream. D'you remember the first day we met? Dito din sa ice cream parlor na 'to." Ngumiti siya sakin na parang may naalala.

Oo nga pala! Naalala ko na. Dito pala kami unang nagtagpo. Hindi nga lang maganda ang unang pagkikita namin hehe.

Pumunta kami ng counter at agad naman kaming binati ng babae sa counter na familiar din. Siya din si ateng  na nagsabi sakin na si Max nga daw ang may-ari ng store na 'to.

"Welcome back sir Max— and Hi ma'am." Bati niya samin.

"Hello ate. ^-^" bati ko din sakanya.

Si Max naman ay tumango lang.

Destined with the GangsterWhere stories live. Discover now