CHAPTER 2: MEET THE OWNER

3K 60 1
                                    

Jastine's POV

*HIT YOU LIKE A DU DU DU OH YEAH OH YEAH..  HIT YOU LIKE A DU DDU DU----*

Nagising ako sa sobrang lakas ng alarm ni katrina. Grabe! Napaka k-pop lover niya pati kanta ng blackpink ginawang ringtone ng alarm.

Nagising na din si kat.

"HIT YOU LIKE A DU DDU DU! OH YEAH OH YEAHHHHH!!!"

Kumakanta siya habang sinasayaw yung step ng du ddu ddu. HAHAHAHA sobrang nakakatawa siya! Kala mo na asinan na bulate eh! >.<

Sorry masyado na bang laitera? Hehe.

"HAHAHAHA! NAKAKATAWA KA BES!

Sabi ko habang sobrang tawang tawa sa kanya.

Then she pouted.

"Ihhh. Panira naman bes ehhh!" -__-

"Hahaha! Gutom lang yan tara magbreakfast na tayo."

Niyaya ko na syang mag almusal para makaalis narin kami papuntang school nila. She just nodded.

Nagluto si katrina ng fried rice, bacon sunny side-up egg at hotdog. May slice bread din. Sherep!

After an hour ago...

On the way na kami ngayon papuntang Macksford Academy kung saan siya nagaaral. Sinamahan niya ako para magenroll.

After 30 minutes nakarating din kami. Grabe! Sobrang laki ng school nila halatang sosyalin talaga yung mga nagaaral dito.

"Grabe bes, sobrang laki pala talaga ng Mcksford noh! Halos triple ata ng laki to sa school namin sa Nueva Ecija."

Sabi ko habang nililibot ng aking mata ang kabuuan ng eskwelahan.

"Syempre! Ang mahal kaya ng tuition dito! Tsaka magagaling silang magturo."

Pagmamayabang ni kat. Nakakaexcite naman magaral dito.

"Ang kaso, laging may gulo dito dahil sa mga gang."

Dugtong ni katrina.

"Maraming gangsters dito?"

Tanong ko ulit.

"Oo. Actually dalawang gang ang magkaaway dito, ang Tiger's blood gang at Red bull gang. Sila yung pinaka sikat dito sa school, kinakatakutan ang bawa't isa sa kanila lalo na yung leader ng dalawang gang na yun, si Max Villanueva na leader ng Tiger's blood gang at si Aaron Drake Smith na leader ng Red bull gang."

Grabe nakakatakot naman pala.

"Silang dalawa ang nagaagawan sa pwesto for the student council president pero ngayon si Max ang president ng student council. Hindi sila yung ibang gang na mga pariwara, sila kase mga matatalino at may class galing din sila sa pinaka mayayamang pamilya lalo na si max, sila lang naman ang nagmamayari ng pinakasikat na 5star Hotel dito sa pilipinas pati narin abroad. Tapos ang gagwapo pa nila! Kaya nga ang suswerte ng mga babaeng napapansin nila e lalo na yung nagiging girlfriend nila hahaha! Alam mo bang pinangarap kong maging gilfriend nila."

Dagdag pa niya.

Tinignan ko si katrina at mukhang kinikilig ang gaga! HAHAHA!

"Huy! Anyare sayo?"

Medyo natatawang tanong ko sakanya habang may pagtataka ang tingin ko sakanya.

"Ang ha-hot kasi talaga nila at ang gagwapo! Alam mo yung mga pang model yung dating, ganon lang naman sila!"

Na-curious tuloy ako bigla kung anong itsura nila hahaha! Ito kasing si katrina ang OA kung makareact!

"Osha, pumasok nalang tayo sa admin office para makapag enroll na ko."

Destined with the GangsterWhere stories live. Discover now