CHAPTER 1: GOING TO MANILA

4.9K 73 2
                                    

"KASALANAN MO 'TO JASTINE EH! KUNG HINDI MO SINAGOT SAGOT SI MOMMY DI SANA SYA AATAKIHIN!"

sumbat ng ate ko na sobra ang galit sakin.

Nandito kami sa hospital dahil sa inatake si mommy ng highblood nya after naming magkasagutan.
Hindi ko naman siya sinagot-sagot, gusto ko lang naman na pakinggan nila yung side ko. Na alam ko na yung desisyon ko. Yes I'm still a minor pero alam ko na yung tama at mali, alam ko na ang makakabuti sakin.

*** THROWBACK...***

"Sorry mommy, pero buo na ang desisyon ko sa Manila na ako mag-aaral." Saad ko.

"Ano jastine? Susuwayin mo na naman ako?!! Hindi mo na naman ako susundin! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka pwedeng magaral sa maynila! Hindi mo kakayanin!" Sigaw ni mommy habang ipinipilit ang gusto nya.

"Mommy naman! Ilang beses ko narin pong sinabi sa inyo na malaki na ko kaya ko na sarili ko! I'm not a kid anymore! So just let me."
Medyo napapataas na yung boses ko, eh nakakainis na kase kanina pa namin to pinagaawayan ayaw namang magpaawat ni mommy!

"Ano? Tinataasan mo na ko ng boses ngayon ha?! Ayan ba tinuro sa inyo sa school. Wala kang kwentang anak! Para san pa't naging ina mo ko kung hindi mo ko susundin?! Siguro may iba pang dahilan kung bakit gustong gusto mo magaral diyan sa letcheng maynila nayan! Kasama mo boyfriend mo ha?! Ayus ayusin mo lang Jastine Aila ha!"

Medyo namumula na sa galit si mommy at napapahawak narin sya sa dibdib nya. Tsaka ano daw yun, ako may boyfriend?? Nyeee sana nga mommy, sana nga.

"Mommy naman! Wala kong boyfriend, gusto kong magaral sa maynila dahil we all know na mas maraming opportunity na naghihintay sakin don! Tsaka kaya ko na sarili ko, malaki na ako kaya ko na magisa! Kaya ko nang wala kayo! Kaya pwede ba payagan nyo na ko!"
Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko at napasigaw na talaga. Maglalakad na sana ko paalis nang biglang...

*BLAGH!!*

"MOMMY?! MOMMYYYYY!!! ANONG NANGYARE SAYO?!!!"

Nakita ko nalang syang natumba at wala ng malay. Inatake si mommy and this is my fault! My fault!

"ATEEEEE SI MOMMYYYYY!!!!

Sigaw ko dahil nasa kwarto nya siya.

Lumabas si ate sa kwarto at sobrang nagulat sa nakita nya.

" MOMMYYYYY!!! ANONG NANGYARI JASTINE?! ANO NA NAMANG GINAWA MO?!"

"Wala kong ginawa ate!" Sagot ko.

"Tumawag ka ng ambulansya! Dalian mo!"

I immediately call the ambulance.
At ng dumating ito, agad agad naming isinugod si mommy sa pinaka malapit na ospital.

Again, kasalanan ko na naman. May napahamak na naman dahil sakin. Malas ba talaga ko? May balat sa pwet or what?

***END OF FLASHBACK***

-----

Kinabukasan, napagdesisyonan ko ng lumuwas papuntang maynila. By the way Nueva ecija is my hometown.
Nagising na si mommy, at nakapagsorry narin ako. Sinabihan nya kong wag na umalis pero hindi niya pa din ako napigalan.

"Ahm.. Ate ikaw na muna bahala kay mommy ha? Ikaw nalang bahalang magsabing umalis na ko, alam ko naman kaseng dadakdakan na naman nya ko. At... Sorry rin ate."

Destined with the GangsterWhere stories live. Discover now