CHAPTER 14: THE FEELINGS

2.4K 69 16
                                    


Jastine's POV

"Kung may plano kang sundan si Drake, wag mo ng gawin." Sabi ng katabi kong hindi naman nakatingin sakin at naka poker face padin.

Hindi ko naman talaga siya susundan, hmm... Pero dahil binigyan mo ko ng idea, gagawin ko na rin!

"Wala kong balak." Pagtataray ko sa kanya.

By the way, dumating na pala ang prof namin sa philosophy hindi namin napansin kasi ang dadaldal ng dalawa kanina!

Hmmm... Paano ko kaya masusundan si Drake na hindi malalaman nitong fake boyfriend ko??

*Ting!*

"Hoy tukmol--- este Max, magsi-CR lang ako." Paalam ko sakanya-- teka bat ba ko nagpapaalam sa kanya?

"Samahan na kita." This time ay tumingin na siya sakin.

Wait, seryoso ba siya?--- pero seryoso yung mukha niya. Nasisiraan na ata ng ulo ang isang 'to! Samahan daw ba ko sa CR? 0__o

"Sasamahan mo ko sa CR? Are you out of your mind?" Gulat kong tanong. Nako! If I know bobosohan mo lang ako. Charot! Hahaha!

"Yeah, bakit ba parang gulat na gulat ka? May sama ba don?" Tanong naman niya.

"W-wala... Pero..."

"Don't worry, hindi kita sasamahan sa loob I'll just wait for you outside. Ang dumi ng isip mo ha." He smirked.

Sorry naman! Nacarried away lang hmp!

"Hoy malinis utak ko! Makaalis na nga!" Iritang sabi ko at inirapan siya. Kahit kaylan talaga apaka epal niya!

"Wait, sasama ko." He hold my wrist. Psh! Hindi moko madadala sa pahawak hawak kamay mo noh!

"Wag na. Hindi ko naman susundan si Drake kung yun ang inaakala mo." Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Pero joke lang susundan ko talaga siya hihihi!

Lumabas na ko at di na ako nakapag paalam sa profesor namin. Hindi rin naman ako napansin eh.

------

Nasaan na kaya ang lalaking yon?

Kung saan saan na ko dinala ng mga paa ko, pero di ko talaga siya mahanap. Well, sobrang laki ng school kaya imposibleng mahanap ko siya kaagad.

Hinayaan ko lang kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

.... And the next thing I knew, nasa harap na ako ng theatre room.

Medyo nakabukas yung pinto ng theatre room. Tsaka parang may naririnig ako ng strumming ng gitara. May tao kaya sa loob?

Inilapit ko yung tenga ko sa pinto para marinig kung totoong may nag gigitara talaga o ilusyon ko lang yon hahaha!

At totoo nga! May tumutugtog sa loob! And he's not just doing guitar, he's also singing!

Omg! Hindi kaya si Drake  ang nasa loob? We'll see.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi ako makita.

Madilim ang paligid, pero sa gitna ng stage ay may ilaw dahilan para makita ko siya ng malinaw.

Tama nga ako ng hinala, boses nga niya yon! Si Drake!

"Every time,
in my mind I'm telling myself
Should I be,
who will be the man
That will hold your hand..."

Nagtago ako sa likod ng upuan habang pinagmamasdan ko siyang kumakanta.

"When ever I close my eyes
I can see your lovely smile~
And I hope that then again
Then I see the midnight sky~"

Destined with the GangsterWhere stories live. Discover now