B2:2

1.1K 45 3
                                    

Para akong nasa langit sa sobrang saya ko. Bakit naman hindi ako sasaya eh kahit saan pumunta si Storm eh andoon ako. Kanina ko pa sya tinititigan, at hindi ako magsasawang titigan ito. Pwede din kaya ako hanggang bahay nya? Ako na din mag paligo sakanya.

"You look stupid" napatingin naman ako sakanya at umayos ako ng upo

"Iniisip ko lang ang future nating dalawa" nanlaki naman ang mata ko

"Ano?/Ano?" sabay na tugon namin, pati ako ay nagulat sa sagot ko

"Stop daydreaming, mag takenotes ka sa magiging meeting namin" tumango tango naman ako

"Mag oorder lang po ako" tumango naman ito

Nakitingin ako sa menu malapit sa counter. At iniisip ko kung anong ioorder ko sa kameeting ni Storm?

"One iced americano and Two Vanilla Latte" tumango naman ang cashier at inabot ko ang card ni Storm

Pag balik ko ay may nakipag kamayan na si Storm sa kanyang kausap. Ibinigay ko naman ang inumin ng dalawa at nag start na silang pag usapan ang new product ng MFG. Nakakaboring pala to, kung hindi lang dahil kay Storm di ko pag tyagaan to. Tinapik naman ako sa kamay ni Storm kaya namula ako.

"Get us another coffee Sunny then lipat tayo sa kabila" tumango naman ako at nag order ulit ng coffee naming dalawa dahil umalis na ang kameeting nito.

Lumabas ako ng coffee Shop at tinignan ang katabing Resto, nakita ko naman agad si Storm pero bago ko buksan ang pinto ay nag ring ang phone ko.

"Goodafternoon Is this Sunny Cornell?" Tanong sa kabilang linya tinignan ko naman at di registered ang number

"Yes po, how can i help you?" may nag bukas naman ng pinto kaya pumasok na ako

"I wanna talk about your interview earlier sa ELC" kumunot naman ang noo ko

"I didnt pass po, sinabi na po ang result kanina"

"You actually passed the inter-" natigil naman ako ng may makabunggo ako at nanlaki ang mata ko ng nakita ko kung sino iyon!

Nginitian ako nito at tinuro ang phone nya. Sya ang kausap ko?! Kahit dito ay nasa tamang linya padin sya ng trabaho.

"I'm Atty.Jake Emillio we're just talking in the phone, Sunny right?" tumango naman ako at inilahad nya ang kamay nya kinuha ko naman iyon at nakipag kamay sakanya

"Sunny Cornell po" kahit dito ay mabait padin si Jake

Aayain na sana nya ako sa table nya ng akbayan sya ni Storm. At inaya sa table namin pinadagdagan naman ni Storm sa waitress ang inorder nya.

"How did you know Sunny?" tanong ni Jake kay Storm

"I met her at the b-" pinanlakihan ko naman ito ng mata "Sa office secretary ko sya" saka ito ngumisi

Tumingin naman sakin si Jake at napakamot sa batok.

"Ihire ko din sana sya eh naunahan mo ko" ngumisi naman ng napakalaki si Storm

"Bakit nag apply ba sya sainyo?" tanong nito

"Oo, ininterview sya pero lahat ay binagsak. Buti na lang at recorded ang interview. Nagustuhan ko si Sunny kaya ihihire ko sana sya" kumunot naman ang noo ni Storm

"You like her?" Naisip naman ni Jake ang sinabi nya at napatingin saakin

"Uh I-i mean is ganito k-kasi.."

"Alam ko po ang ibig nyong sabihin sadyang madumi lang ang utak ng boss ko" natawa naman si Jake at kita ko ang pag lukot ng muka ni Storm

"Wth? Do you want me to fire you?" storm asked me

"It's okay" bumaling naman ako kay Jake "He can hire me" tumawa naman si Jake

"Anytime, if you want you can quit now and come with me" inilahad ni Jake ang kamay nya at kukunin ko sana ito ng tapikin ni Storm palayo ang kamay ko

"Y-you are violating the contract!"

"I don't remember signing one yet" may nilabas naman sya sa kanyang bag at ibinagsak iyon sa table

"Here! Now you can sign the damn contract" pinipigilan ko naman matawa at kinuha ang kontrata

"Atty.Jake can you check the contract for me? Baka po kasi may mali o hindi makatao sa kontrata" kinuha naman ito ni Jake na mukang nag eenjoy sa pang aasar kay Storm

"There's no problem" nag simula naman ngumiti si Storm "Pero mas malaki ang pasahod ko kumpara dito at ang benefits? Wala sa kalahati" tinignan ako ni Jake "I can give you a better offer higher salary and I can also pick you up for work kasi madadaanan ko naman ang sainyo" hinawakan nito ang kamay ko at nginitian ako "What do you say Sunny?" umakto naman akong nag iisip

"Magkano ang salary sainyo Atty.?" lumapit naman si Jake at bumulong

"He's mad already it's scary" bulong nito sakin ngumiti naman ako at hinampas ito sa balikat

"Sige na nga po" tinignan ko naman si Storm at ang sama ng tingin saamin

"I'll triple your salary with 2months paid vacation and company car to pick you up! Now sign the contract!" nag katinginan naman kami ni Jake at tumango ito

Pinirmahan ko naman iyon at dalidali nyang kinuha saakin. Binigay iyon kay Jake.

"You can revise it gaya ng sinabi ko"

"Okay then" sagot ni Jake saka ako kinindatan

Kumain kami pag dating ng pagkain. At hindi naman naiwan ni Storm mag yabang na nanalo sya kay Jake. Nalaman ko ding mag pinsan sila at ngayon lang nanalo si Storm kay Jake sa lahat ng bagay.

"It was nice meeting you Sunny" saka nakipag kamay si Jake saakin

"The pleasure was mine"

Nag paalam na ito at naiwan kami ni Storm na kanina pa naka sibangot. Ang sungit talaga neto.

"Saan po tayo ngayon Sir?" saka ko sya nginitian

"Sa planta mag pack ka ng noodles!" saka ako iniwan nito sa table kaya agad ko itong sinundan

"Seryoso ka ba dyan?" tinaasan naman ako nito ng kilay

"Muka ba akong nag bibiro" saka ako nito nginitian kaya bigla namang kumabog ang dibdib ko, tangina heart kalma ngiti pa lang yan

Bearing a MarcosWhere stories live. Discover now