Five

11.2K 314 34
                                    

Pag pasok ko ng opisina eh pinag titinginan agad ako ng mga katrabaho ko at nakakakita pa ako ng ilan na nag bubulungan. Pag punta ko sa office area namin ay wala doon ang table ko mag tatanong pa sana ako nang inabutan ako ng susi ni Bea ang dating sekretarya ni Jake

"Nasa loob ng office ni Sir Jake ang table mo" tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa saka umirap

"Salamat bea" tunalikuran naman niya ako at nag simulang maglakad palayo

Habang nag lalakad ako ganoon parin sila pinag uusapan ako , wala naman akong pakielam pero ayaw ko lang nadadawit ang pangalan ni Jake dahil wala naman siyang ginagawang masama.

"Goodmorning Sunny" maaliwalas na ngiti ni Jake ang sumalubong sakin hindi gaya kahapon na walang ekspresyon ang muka nito

"Goodmorning Sir Jake" saka ko siya nginitian ulit

"Tara breakfast tayo" saka niya ako hinatak sa sofa at may nakahanda nang breakfast sa table

"Ang dami naman nito Sir Jake" napakamot naman siya sa batok niya

"Hindi ko kasi alam ang gusto mo eh kaya lahat ng nasa menu naorder ko" natawa naman ako sakanya

"Kahit ano naman kinakain ko. Saka di mo na kailangang gawin to" ngumiti naman siya ng mapait

"Pasensya na ha makulit ako" bigla naman akong nakadama ng guilt

"A-ayos lang. Dapat nga ako mag pasalamat kasi ang laki ng naiitulong mo sakin" hinawakan naman niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya

"Si Storm ba talaga?" Napatanga naman ako sa tanong niya

"Oo" walang pag aalin langang sagot ko dito

Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya at kasunod non ang pag buntong hininga nito.

"Can I know how uhm... It started?" Nag alangang tanong nito sakin

Kinuwento ko naman lahat sakanya pati ang pag layas ko sa bahay. Jake listened to me as if Im saying something very important and that made me feel better.

"So sa haba ng panahon ngayon ka lang niya naisip panagutan? Why?" I bit my lower lip

"I dont know. Hindi ba dapat ikaw ang nakaka alam niyan kasi alam mo ang plano niya?" Napahilot naman siya sa kanyang sentido

"Yes i know. Im sorry that I didnt stop him from his stupid plan, hindi ko naman alam na ikaw pala ang... ugh Im so stupid! I should have known!" Napasabunot naman siya sa frustration at hinawakan ang kamay ko

"I'll do everything I can para maisalba ka sakanya Sunny" nagulat naman ako ng bigla akong lumutang sa kinauupuan ko at tumambad saakin ang galit na si Storm

"No. You wont do anything stupid Jake" may hinagis naman siyang puting envelope sa mesa "I wont let you" saka niya ako hinatak palabas ng office habang ang braso niya eh nakapalupot sa aking bewang

"M-Ms.Cornell oras ng trabaho what do you think you're doing? Leaving during work?" Tanong ng isang matandang lawyer dito sa firm

"I already gave Jake her resignation letter. And get out of our way old hag bago ko pa ipasara itong firm" awtomatiko namang umalis sa daraanan namin ang matanda at napatanga ito sa muka ni Storm

"I-im Sorry Mr.Marcos I didnt recognize you earlier" hindi naman sumagot si Storm at dumiretso na sa pag lalakad habang naka palupot parin ang braso niya sa bewang ko

I cant utter a single word dahil ako mismo ay natatakot din kay Storm. Yung pag dilim pa lang ng muka niya sa office ni Jake eh nasindak na ako ano pa kaya yung pag sigaw niya doon sa lawyer!

He's living up his name. Nang maka recover ako sa takot eh tumawa ako ng malakas habang siya eh mag kasalubong ang kilay habang nag dridrive.

"What the hell is so funny?" Tanong nito saka sumulyap ng saglit saakin at mas iritado na ito ngayon

"Wala natuwa lang ako. Para na rin akong nakaganti kay Atty. Amelia" at bigla nanaman nag flashback saakin ang muka ng matanda kaya napabungisngis nanaman ako

Madalas kasi akong pag initan ng matanda dahil "paborito" daw ako ni Sir Jake, alam ko namang may gusto ang anak nitong si Bea kay Sir Jake kaya mainit ang ulo niya saakin.

"Why? What did that old hag do to you?" Tinignan ko naman si Storm at concern ba ang nakikita ko? Eww si Storm? Concern? Saakin? No way!

"Madalas kasi niya akong pinag iinitan kasi may gusto yung Anak niya kay Jake" rumehistro naman ang disgusto sa muka nito

"Cause of Jake? Tss. Not worth it"

"Bakit naman hindi worth it? Mabait, Matalino, Masipag ano pa ang di gugustuhin kay Jake?" Nagulat naman ako sa pag preno niya ng sasakyan kaya't halos paulanan na kami ng mura sa daan

"What the hell?! May gusto ka ba sakanya huh? Saka mabait din naman ako ah! Regular akong nag dodonate sa mga foundations! I'm smart too! And I'm a very hard working person!" Napatanga naman ako sakanya. Anong problema nito?

"May sinabi ba kong hindi?! Saka anong pinuputok ng butchi mo dyan ha?!" Sinuntok naman niya ang manibela at masama akong tinignan

"Don't avoid my question Sunny! Do you like Jake?!" If he's not fumming mad I might laugh right now he looks really pissed. May galit ba siya kay Jake?

"No! Ok? I don't like him..." ngumuso naman siya at tila nag pipigil ng ngiti kaya't may kalokohan akong naisip "...yet"

As expected isang matalim na tingin ang pinukol niya saakin. Uh-oh wrong choice of words.

"Get off my car" mahinahon ngunit may diing utos niya

"Papababain mo ako sa gitna ng kalsada? Are you out of your mind?" Saka ako ngumisi ng hilaw pero nanatili parin ang seryosong ekspresyon niya. Sht is he serious?

"Get.off.my.f*cking.car.now" nag badya namang tutulo ang mga luha ko kaya't bago niya pa makita yon eh bumaba na ako

Kasabay ng pag bagsak ng pinto ng sasakyan ni Storm ang pag bagsak ng luha ko. Paano niya ako naatim na pababain ng sasakyan niya sa kalagayan kong ito? Wala talaga siyang pakielam kahit sa anak namin.

I started walking without looking back. Hindi ko alam kung nag U-turn ba siya o ano kasi hindi pa ako nilalagpasan ng sasakyan niya.

Beeeep!

Napatalon naman ako sa biglaang pag busina ng sasakyan sa likod ko pero hindi ko parin ito nilingon at nag patuloy ako sa pag lalakad.

"Sunny! Get in!" Get in mo muka mo! Sigaw ko sa utak ko

"Nabigla lang ako! Sumakay ka na ulit dito, mainit ang panahon" wow hindi niya napansing mainit kanina bago niya ako palabasin?

Walang lingon parin akong nag lalakad habang naka sunod ang lang siya gamit ang kotse. Naririnig ko na rin ang mura ng ibang driver na nasa likuran niya pero wala akong pakielam.

"Sunny" naramdaman ko naman ang pagyakap niya saakin mula sa aking likuran kaya nanlaki ang mata ko "Look I'm sorry okay? N-nabigla lang ako kanina"
Storm Marcos nag sorry sa isang Sunny Cornell?! Binabangungot ba ako?!

"At d-damn nag s-selos ako"

Bearing a MarcosWhere stories live. Discover now