Two

11.9K 305 6
                                    

Isang malutong na sampal ang nakuha ko kay Mama kanina , hindi ko siya masisisi tamang nakatapos lang ako ng pag aaral eh buntis agad ako ni hindi pa nga ako nakakapag martsa sa graduation pero di ko alam kung magagawa ko pa iyon ngayon dahil sa kalagayan ko.
Kahit hindi nila sabihin sakin alam kong ayaw nila sa dinadala ko , pero hindi ko bibitawan ang bata. Wala itong kaalam alam sa mga nangyari. Kinuha ko ang calling card na binigay saakin ng Presidente sabi niya noon ay tumawag lang daw ako kung may kailangan ako kaya dinial ko ang numero niya.

"Hello" nanginginig ako pero winaksi ko sa isip ko iyon

"Mr.President ako po ito si Sunny"

"Oh ikaw pala hija , kumusta ka na?" kahit hindi ko nakikita ito ay alam kong nakangiti ito ngayon dahil likas dito ang pagiging mabait

"O-okay naman po , tatanungin ko lang po sana kung pwede tayong mag usap ng personal b-bukas"

"Sige hija , pumunta ka lamang sa bahay. Gusto mo bang ipasundo kita dyan sainyo?" nataranta naman ako bigla

"N-nako hindi na po"

"Sige hija , pero sigurado ka talaga?"

"Opo , sige po marami pong salamat sa oras"

Tinignan ko naman ang maliit na maleta sa gilid ng kama ko at kinumbinsi ang sarili ko na tama ang gagawin ko.

Pag patak ng alas dos eh bumaba na ako sa kwarto ko dala ang maliit na maleta na nag lalaman ng ilang damit ko , bago ako umalis eh tinignan ko sa huling pag kakataon ang bahay namin. Sorry po mama at papa.

Pinapasok kaagad ako ng kasambahay nila at pinag hintay ako sa sala , halos magdugo ang labi ko kakakagat ko dito dahil dinapuan nanaman ako ng kaba.

Di naman nag tagal ay dumating na ang hinihintay ko , naka simpleng damit lang ito hindi gaya ng napapanood ko sa TV dahil panay itong naka barong o di kaya ay coat and tie.

"Goodmorning po" bati ko dito

"Goodmorning din hija , ano nga pala ang gusto mong pag usapan?" di naman ako nag patumpik tumpik pa at dineretsa na ang sadya ko dito

"Buntis po ako" rumehistro sa muka nito ang gulat pero nag patuloy parin ako sa pag sasalita "Pero huwag po kayong mag alala wala pong makakaalam nito , gusto ko lang pong malaman ninyo"

"Kailangan mo ng pera?" napatingin naman kami sa lalakeng nasa pinto

Magulo ang buhok niya halatang kagigising lang nito. Nakakainis bakit ang gwapo niya? Pero nakakainis parin siya.

"Hindi" sabi ko sabay tumayo "Kakasabi ko lang diba pinaalam ko lang sainyo, ayaw ko kasing sumbatan ako pag dating ng panahon na itinago ko ang anak ko" nakita ko naman ang masamang tingin nito sakin "Ok natin"

"Hija mag stay ka na dito sa bahay , at aayusin na natin ang kasal" napatingin naman ako dito at nakangiti ito hindi ba siya nagagalit?

"Dad! Hindi naman tayo sigurado kung akin t-talaga yan" sabay turo niya sa tyan ko

"Storm!" sigaw nito sa lalake

"Aalis na po ako at kagaya po ng sinabi ko kanina pinaalam ko lang po sainyo" saka ako tumayo at lumabas inalok naman akong ihatid ng driver nila pero tumanggi ako

"Maam sige na po , baka mapatalsik po ako pag hindi kayo nag pahatid" naawa naman ako bigla "Limang anak ko po ang umaasa sakin" napabuntong hininga naman ako at sumakay

Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng phone ko kaya kinalkal ko sa bag ko pero nalaglag lahat ng laman kaya pinulot ko isa isa.

"Maam andito na po tayo , sigurado po kayong ayaw niyo pahatid sa bahay ninyo?" nginitian ko naman siya

"Sigurado po ako , maraming salamat po manong ha" tumango naman ito

Di naman ako makapili kung saan ako pupunta , saan kaya magandang magtago? Nakakita naman ako ng bus na paalis na kaya doon ako sumakay , bahala na basta ang importante maalagaan ko ng mabuti ang anak ko

Naghanap ako kaagad ng tirahan at ngayon naman eh trabahong mapapasukan ko , dahil graduate naman ako hindi mahirap ang naging pag hahanap ko nito

"Ilagay mo na lang ang number mo dito para tawagan ka namin kung kelan ka mag simula" tumango naman ako at kinalkal sa bag ko ang phone ko pero wala ito doon , nahihiyang napatingin naman ako sa babae sa harap ko

"Miss nawala kasi ang phone ko eh"

Pinalista nalang niya ang address ko pero nang makita niya iyon eh tumili siya

"Ay bongga! Ikaw pala ang bagong border!" kumunot naman ang noo ko "Sa kabilang kwarto lang ako ng inuupahan mo" nginitian ko naman siya

"Ganun ba , akalain mo nga naman" saka kami nag tawanan pero bumulong siya saakin

"Tanggap ka na , ako na bahala sa mga kasunod mo para ma reject sila hihi"

Natatawa naman akong nag pasalamat at umuwi na sa bahay. Kailangan ko ng phone kaya pag sweldo eh bibili ako kahit yung pinakamura lang , pero naisip ko si baby kailangan ko mag ipon para sa panganganak ko at gamit ni baby.

Bearing a MarcosWhere stories live. Discover now