KABANATA 03

30.7K 430 10
                                    

KABANATA 03

PINATAY na ni Ysabella ang ilaw sa kwarto at bumaha na ang kadiliman. May ngiti sa labi na inilapat ni Ysabella ang kanyang likod sa higaan. Hanggang sa oras na iyon ay nag-iinuman pa rin ang magkapatid sa labas ng bahay. Masaya siya na makitang magkasundo ang magkapatid na sina Fernan at Mikael. Sabagay, ano pa ba ang aasahan niya, eh, mabait naman ang kanyang nobyo. At sa tingin naman niya kay Mikael ay ganoon din ito. Magaan agad ang loob niya sa kapatid ni Fernan dahil magaling itong makisama. Palaging nakangiti at maasikaso sa kanila.

Tumingin siya sa kisame na yari sa plywood. Hindi na malambot ang kanyang hinigaan 'di tulad sa bahay nila. Ang bahay na ito marahil ang magiging tahanan niya hanggang sa pagtanda. Pero wala siyang pinagsisisihan. Mahal niya si Fernan at handa siya na habangbuhay na panindigan ang desisyon na pagsama dito.

Pupunuin nila ni Fernan ng tawa ng mga supling nila ang bahay na ito. Sigurado siyang magiging masaya iyon kapag nangyari ang kanyang nasa isip.

Maya maya ay nakaramdam na ng pagbigat ng talukap ng mga mata niya si Ysabella kaya naman tumagilid na siya at ipinikit ang kanyang mga mata upang matulog na. Hindi pa man siya nakakatulog nang maramdaman niya ang pag-ingit ng papag at naramdaman niya na may humiga sa kanyang tabi.

"Fernan... Tapos na ba kayong mag-inom ni Mikael?" tanong niya. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ito dahil nakatalikod siya sa gawi nito.

Wala siyang nakuhang pagsagot. Bagkus ay yinakap siya nito sa beywang at kinilabutan siya ng dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg. Napaungol siya nang mahina nang ang labi na nito ang sumayad doon.

"Fernan..." anas niya habang nakapikit ang mga mata at dinadama ng husto ang ginagawa nito sa kanya.

"Ysabella..."

Biglang naimulat ni Ysabella ang kanyang mga mata. Ang init na unti-unting bumabangon sa kanyang katawang lupa ay biglang naglaho nang magsalita si Fernan.

Ah! Hindi pala. Hindi si Fernan ang lalaking katabi niya ngayon!

-----***-----

TUMAYO si Maikael matapos niyang tunggain ang tagay niya. Medyo umiikot na ang paningin niya. Sanay naman siya sa inuman ngunit matagal-tagal na rin pala ang huling beses na nakatikim siya ng alak kaya bahagya siyang naninibago.

"Oh, 'tol! Sa'n ka pupunta?" tanong sa kanya ng Kuya Fernan niya.

Kahit moreno ito ay namumula na ang mukha nito sa kalasingan. Kabaligtaran naman niya ito, medyo mahina ito sa alak.

"Ji-jingle lang ako, kuya." Totoo naman ang kanyang sinabi. Kanina pa siya nakakaramdam ng tawag ng kalikasan.

"Asus! Baka tatakasan mo ako at tutulog ka na! Hindi puwede. Uubusin pa natin iyong isang bote!"

Natawa siya sa paraan ng pagsasalita nito. Lasing na nga. "Naku, 'wag kang mag-alala, kuya. Babalikan kita diyan. Mabilis lang ako!" aniya.

"Sige, balik ka agad, 'tol!"

Pagkasabi nito niyon ay pumasok na siya sa bahay. Dumiretso siya sa banyo at doon ay umihi. Paglabas niya ay nakita niya ang nakabukas na pinto ng kwarto ng kuya niya at ni Ysabella. Kahit madilim doon ay kitang-kita niya ang nakahiga at nakatalikod na bulto ng nobya ng kanyang kapatid.

Napalunok siya nang makita ang perpektong kurba ng beywang nito. Hindi na niya napigilan ang sarili na ihakbang ang mga paa palapit dito. Dahil na rin siguro sa espiritu ng alak kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na gawin iyon.

Basta, ang nasa isip lamang ni Mikael ng mga oras na iyon ay ang madama ng kanyang mga kamay ang katawan ni Ysabella. Kung gaano iyon kalambot at kasarap hawakan, katulad ng ginagawa dito ng kanyang Kuya Fernan.

My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now