Chapter 4

117 17 3
                                        

CSS 4| Fairy god beki

I'm blushing, those noise still playing on my head. How she chuckled and smiled, fuck she's so cute.

"Gago ka!" I shouted at Xerxes, hindi pa rin makaget over sa kahihiyang nangyari kanina noong recess. "Panira ka!" Ani ko.

He dramatically covered his mouth, like he's saying why me? "Bakit parang kasalanan ko pa? Ako na naman? " He rolled his eyes. "Sinabi ko lang naman type ka ng tropa ko, dalawa kayong kasama ko kanina. " I hissed. "Hindi ko sinabing ikaw, kaya 'wag ka na magiiyak diyan baka nga akalain nila si Gremory ang sinasabi kong tropa na may gusto sakanya. " Realization drawned me, paano kung ganoon nga?

What if she thought Gremory was the one who's having a crush on her? Though, I'm not sure if she's thinking of that. Hindi rin ako sure kung ganoon din si Gremory but I remembered, he said he knew someone named Ivory. Sana hindi, huwag naman sana.

"Pero huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Alam kong busy si Gremory sa acads kaya 'di 'yan interesado sa love life. Don't worry, I'll be your fairy god beki." Ani Xerxes and he flipped his imaginary long hair, ikinumpas din nito ang kamay na parang may wand. "Trust me!"

I shooked my head and gave him a flat stare. "Huwag na siguro katakot mga galawan mo." Ani ko, binatukan ako nito.

Ngumisi ito, "ano ba 'yan! Trust me lang like yung condom Trust!" Aniya at tumawa pa na animo'y kontrabida. Bigla akong kinalibutan, nararamdaman kong masama ang mangyayari. "I got your back!"

Sasagot pa sana ako ng biglang pumasok ang next teacher namin, isang sub nalang at uwian na. Saktong science pa ang subject.

Inutusan agad ng teacher si Gremory siguradong isasabak na naman ito sa quiz bee. Naiwan kaming dalawa ni Xerxes kasama ang kaklase namin.

I gulped hard when I saw our teacher shuffling those index card with our name's on it, indicating that we will have a recitation. Agad akong kinabahan, napa auto sign of the cross ako at napadasal na sana hindi ako matawag.

"Okay, we will have our suprise recitation today since walang nakasagot kahapon," ma'am said. Tahimik ang classroom tanging mga matatalino na handa ang nakangiti habang kami–as in kami ni Xerxes ay nakangiwi at ilang ulit ng napapasign of the cross. "Oh," our teacher mouth formed into 'o'. "You're the lucky one to be first..." Automatic na nanginig ang mga kasu-kasuan ko. "Mr. Guevara stand up."

Animo'y nasa Miss Universe kaming dalawa ni Xerxes, napatakip ako ng bibig at mangiyak-ngiyak na nakangiti. Puta, salamat po lord. The best ka. Habang si Xerxes ay naiiyak na, kahinaan naming dalawa ang recitation sa science dahil kung hindi ibubulong ni Gremory ang sagot o itutor wala kaming grades dito.

Our teacher smiled,"this is a easy question." Sinesenyasan ako ni Xerxes na tulungan siya, umiling ako bilang sagot. "Since endocrine system is our topic yesterday. So the question is, " napalunok ako. "It's stimulate growth, and controls the function of other glands? " Anito.

Parang may loading sign sa utak ko na biglang napalitan ng umiilaw na bombilya, alam ko ang sagot! Pituitary Gland ang sagot! Sinenyasan ko si Xerxes na alam ko ang sagot pero nagulat ako ng nakangiti ito, tila proud na proud na alam niya ang dagot. Sinenyasan niya pa ako ng okay sign. "Wow, edi ikaw na matalino." Bulong ko sa sarili.

"Mr. Guevara?" Tawag ni ma'am. "What's your answer?"

Ngumiti muna si Xerxes bago nagflip hair, "ma'am." Tawag nito. "Ejaculation po. Ejaculation po ang sagot kung bakit nagsti-stimulate ang growth lalo na sa mga boys." Nalaglag ang panga ko, tumahimik ang lahat maging ang teacher namin.

E-Ejaculation? Sira ulo.

Naningkit ang mata ni Ma'am at namula, galit na ito habang lumakas na ang tawanan sa classroom. "MR. GUEVARA?! " Ani ma'am, napahawak ako sa tiyan habang bigay todong tumatawa.

Potangina ejaculation daw! Patawa! Isa kang alamat! Nakakabahag ng damdamin! Kakaibang kaalaman!

"E-Eh? M-Ma'am.. Tama naman po ah? Nakita ko sa facebook ma'am." Panga-ngatwiran niya dahilan para lalo kaming magtawanan, siraulo talaga! He dramatically held his chest like he was hurting. "M-Ma'am bakit parang kasalanan ko pa?"

"Ipapatawag ko ang magulang mo Mr. Guevara!" Asar na sabi ni ma'am, tumayo ito at nagdadabog na umalis. Naghiyawan ang mga kaklase ko, ang iba'y lumabas pa para tignan kung talagang wala na ba si ma'am. At ng makasigurado sumenyas sila ng okay sign dahilan para maging Jurassic Park na naman ang classroom.

Xerxes brows furrowed. "Mali ba sagot ko? Tama naman noh? Adik ata si ma'am, totoo namang kapag nagjajakol tumatangkad mga lalaki. Duh, " he said while rolling his eyes.

Abala kaming nag-uusap, ang mga kaklase ko ay parang mga baliw na nawala sa mental. "Ewan ko sayo, endocrine system nga 'di ba? Ejaculation ang puta!"

Puro sigawan at hiyawan may mga naglalaro na. Ang mga lalaki'y nasa pinaka dulong raw na at maglalaro ng ml ang ibang mga babae ay nagchi-chismisan at ginawang parlor ang classroom.

"Tumahimik na nga kayo!" Sigaw ni Kristine Mei Calagno president namin. "Isa! Isusumbong ko kayo kay ma'am!" Aniya, pero walang nakikinig.

Hindi kaya sumasakit ang lalamunan niya kakasaway? Wala naman kasing nakikinig, natigil ang lahat ng magsimula na itong umiyak. Ang ibang officer na hipokrita at hipokrito ay nilapitan siya, automatic na may tagapay-pay, taga-ayos ng buhok, taga-hagod ng likod at mga guidance counselor na nagtatanong kung ayos lang ba ito.

Pero hindi natinag ang mga kaklase ko dahil maingay pa rin, tumayo ang bida-bida naming kaklase. Napailing ako, heto na naman. "Kulang ng pop corn noh?" Tanong ko kay Xerxes na abalang nagliliptint, walang pakielam sa nangyayari.

He nodded, "yeps. "

━─━────༺༻────━─━

Tapos na ang class period, uwian na. Kasalukuyan naming himihintay si Gremory sa may faculty. Kausap nito ang teacher na coach niya sa quizbee pinapaalalahanang magreview pagka-uwi.

Hindi ba siya nauumay mag-aral? Puro libro, reviewers, numbers, dictionary ang kaharap.

"Let's go?" He asked, his forehead creased when he notice that Xerxes wasn't here beside me. "Where is he again?" I shooked my head, hindi alam kung saan nga ba nagpunta ang lalaking iyon, ay babae pala.

"Ewan, kasama ko lang siya kanina dito. May pinuntahan ata?" He shrugged his shoulder off, saying okay we will find me instead.

After minutes of finding Xerxes, we saw him talking to a girl. My pahampas-hampas pa ito. "There he was." Gremory lifted his arm then pointed Xerxes direction.

I was about to talk when Xerxes suddenly glanced at us. Ngumiti ito ng mapanuyam, and I knew that moment I'm fucked up.

"Talaga?! O'sya bye na! Nandito na mga bodyguards ko, don't worry bibigyan kita liptint yung lasang Rossweisse. " Hindi namin narinig ang huli niyang sinabi, bumulong siguro.

The girl smiled. "Ah, okay. Ingat ah? " Then she glanced at me making my heart beat rapidly. "Hi Rossweisse, hi Gremory. Ingat." Then she walked away.

Xerxes winked at me, sineryoso ang pagiging fairy god beki kuno niya. My heart is beating rapidly na animo'y may marathon at kailangan nitong makawala sa ribcage ko.

Nagsimula na kaming maglakad at magkwentuhan habang pauwi, my phone suddenly beep. It made me stop walking.


Ivo Aguilar
Hi, Rossweisse. Pwede ka bang maging photographer ko sa Miss Intrums? Sinabi kasi ni Xaxa na magaling ka raw and I agree.




My mouth gaped open. What the fuck.


﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Fairy god beki

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now