8 ♠A n o t h e r 's Perspective♠

240 12 7
                                    

There's no mistaking it, that guy is definitely cautious of you.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Caitlyn sakanyang ballpoint pen ng biglang magsalita si Lyn.

Wala naman akong ginawa na ikababahala ni Travis ah? Yan ang paulit-ulit na tanong ni Caitlyn sakanyang sarili. Apparently, a birdie told Caitlyn that Travis is acting suspicious, not only yesterday, but also these past days. You should know by now that that birdie is Lyn.

Balik tayo kahapon sa garden...

"May nangyari ba nuong Bloody Luna?" Nagtatakang nilingon ni Caitlyn ang kanyang mga kaibigan. Kahit sya ay pansin ang walang tigil na bukambibig ng mga estudyante tungkol sa Bloody Luna, kung kaya't di nya mapigilang magtanong.

Nilingon ni Tyler si Caitlyn atsaka ngumiti at bahagyang ginulo ang buhok ng dalaga, "It's nothing you should be worried about."

"Oh, okay." Atsaka muling bumalik si Caitlyn sa pagdo-drawing sa kanyang notebook.

If Tyler said that it's nothing I should be worried about, then I shouldn't worry myself. Caitlyn thought to herself, continuing on doodling in her notebook.

Nagpatuloy sa pagku-kwentuhan ang kanyang mga kaibigan, sometimes ay tinatanong sya at sinasama sya sa conversation.

Hindi ko alam kung ako lang, o sadyang...

Napakurap si Caitlyn. Gusto nyang tanungin si Lyn kung anong sinasabi nya pero of course, hindi nya magagawa since may makakakita sakanya.

Actually wala namang problema kay Caitlyn kung makita sya nila Freia na kinakausap si Lyn.

I mean, alam naman nilang nasa loob ko si Lyn kaya hindi naman sila siguro mawi-wirduhan kapag bigla akong nagsalita sa hangin. Pahayag ni Caitlyn sakanyang sarili.

Pero napag-usapan na nila ni Lyn ang tungkol dyan, at naalala nyang ganito ang sinabi ni Lyn.

No. Don't let them know na nakakapag-usap tayo telepathically.

Albeit clueless, wala nang nagawa si Caitlyn kung hindi sundin ang payo ni Lyn. Kahit gusto nya mang sabihin kina Zein na nakakausap nya si Lyn, yun nga, binawalan sya.

So ayun nga, kahit na gusto nyang tanungin si Lyn kung anong pinagsasasabi nya, Caitlyn could only keep her mouth shut.

"Caitlyn?"

Napatingala sya ng nagsalita si Freia. Nakatingin na ang kanyang mga kaibigan sakanya. Caitlyn blinked.

"Huh?"

"I asked you kung tapos ka na sa assignment natin sa science." Sabi ni Freia, bahagyang nakataas ang isang kilay.

"H-huh? Ah, oo. Tapos na ako kaninang umaga pa." Agad na sagot ni Caitlyn.

"As expected of Caitlyn!" Zoe grinned, proud of her.

"Of course, I can't imagine Caitlyn skipping assignments." Napahawak si Nick sakanyang baba atsaka nanliit ang mga mata na para bang ini-imagine na hindi nagsasagot ng mga assignment si Caitlyn, mabilis na umiling ang binata. "Nope, can't imagine it."

Good Girl Gone Bad [MGGIGA BK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon