20 ♦️ Psychopath ♦️

109 6 1
                                    

Iminulat ni Caitlyn ang kanyang mga mata at kadiliman ang agad na bumungad sakanya. Nakakalito, hindi ba?

Kulay itim ang paligid pero nakakakita pa din nang malinaw si Caitlyn. Nakilala nya ang lugar kung nasaan sya ngayon.

The Dark Void, as what Lyn calls the darkest part of my consciousness. Mahinahon lamang si Caitlyn. Speaking of Lyn, she should be here somewhere. This is after all, where she is staying.

Lumingon sya sa likod, at ang nakasimangot na mukha ni Lyn ang bumungad sakanya. Halata ang pagkadismaya sa magkaibang kulay nitong mga mata. Sky blue and ash gray. Para lang nananalamin si Caitlyn. They really looked so alike. From the outline of her eyebrows down to the curve of her pink lips. Pero at the same time, aakalahin nyang ibang tao talaga ang dalagang nasa harapan nya at hindi sya.

Napakataray nang mga mata nito na animo'y pagmamay-ari ng pusa, mas mataray pa sa mata ng leader ng Copycat. Walang kahit isang patak ng pagka-inosente sa mukha ni Lyn, hindi katulad ni Caitlyn na hindi makikitaan ng katusuhan kung saan ito naman ang bakas sa mukha ni Lyn.

The same but not the same. The same coin but different sides. The yin and yang. The dark and light.

Naaninag ni Caitlyn ang isang bilog na liwanag ilang hakbang mula sa likod ni Lyn.

Ang Spotlight, kung saan kung sino man ang tatayo dito ay sya ang may kontrol sa pisikal na katawan ni Caitlyn.

Since walang nakatayo dito, panigurado ay walang malay tao ang kanyang katawan ngayon.

"Ba't ba gusto mong malaman kung anong pinag-usapan namin ng Hunters? Eh wala naman talagang nangyari maliban sa pagpuri nila saakin." Nakahalukipkip na tanong ni Lyn sakanya.

Agad na nainis si Caitlyn ng maalala ang ginawa ni Lyn kanina na nagresulta sakanya na mapunta dito sa Dark void.

"I'm not as clueless as what you think, Lyn! Alam kong may nangyari. You may not tell it to me, but I can feel it. Sa tingin mo 'di ko napansin ang pag-aaligid ng mga miyembro ng Hunters saakin? Na para bang may binabantayan sila." Humakbang sya papalapit kay Lyn na hindi man lang natinag, "I've been waiting for you to come clean yourself! Because I don't want to force you to share something you don't want to---!"

Natigilan sya ng magsalita din si Lyn,

"Then why are you forcing me? Ayaw mo pala akong pilitin pero bakit mo ginagawa 'to?" Mahina ang boses ni Lyn, pero dinig ang inis dito.

"Because I've been waiting for too long! You think I don't deserve to know what happened between you and the Hunters?" Hindi na napigilan ni Caitlyn ang sarili at napasigaw na.

Nagsalubong ang kilay ni Lyn, halatang hindi nagustuhan ang pagtaas ng boses ni Caitlyn sakanya.

"Ano bang pakialam mo? What happened between the Hunters and I, stays between us. Wala ka na 'don."

Naramdaman ni Caitlyn ang pag-akyat ng dugo sakanyang mga mukha at ang pagkulo ng kanyang dugo.

Nilapitan nya si Lyn at dahan dahang inilapit ang kanyang mukha hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga ilong. Halatang hindi inaasahan ni Lyn ang ginawa ng dalaga dahil lumaki ang mga mata nito.

"But this is my body, remember?" Caitlyn's teal eyes were so dark they almost turned midnight blue. Her voice was dangerously sweet as she looked at Lyn's eyes and tilted her head to the side innocently.

Napaawang bahagya ang bibig ni Lyn at kumabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa Hindi maipaliwanag na pagkabigla. A cold shiver ran down her spine and small beads of sweat formed on her forehead even though the temperature here in the dark void is not hot, in fact it was a bit chilly.

Good Girl Gone Bad [MGGIGA BK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon