24 ♦Reunited♦

83 8 3
                                    

"What the hell happened to you?"

Yan ang unang bungad ni Tyler kay Caitlyn once makita ang mga kalmot at galos sakanyang mukha. Buti nalang at long sleeved ang uniform kaya natatakpan yung ibang galos na nasa braso nya.

"I'm okay, Tyler. Don't worry." Ngumiti ng kaunti si Caitlyn, pero sinimangutan lamang sya ng binata atsaka sya nilapitan. Hinawakan ni Tyler yung chin ni Caitlyn atsaka sya sinimulang inspeksyunin ang kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ni Caitlyn at nagsimulang mamula dahil sa lapit ng mukha ng binata sakanya.

"T-tyler, ayos lang ako."

"Ayos? Ayos ba to?" Napa-aray si Caitlyn ng biglang diinan ni Tyler yung pagkakahawak sakanyang chin kung saan may kalmot din. "Oh diba."

"Natural na masasaktan yan kase diniinan mo, genius." Biglang sinapak ni Freia yung kamay ni Tyler na nakahawak sa chin ni Caitlyn atsaka nagsimulang kaladkarin si Caitlyn papasok sa Arts & Crafts room. Napabuntong hininga nalang si Tyler atsaka sumunod sa dalawa.

"Seriously Cate, why did you went out of the dorm in the middle of the night?" Tanong ni Tyler once makaupo sa upuan na katabi ng upuan ni Caitlyn. Si Freia naman ay nakaupo sa kabilang side ni Caitlyn, kaya naman nasa gitna nila sya. "Narinig namin yung mga bulungan pero sobrang ingay. Hindi ko inaasahan na ikaw pala ang dahilan kung bakit."

Napakamot ng pisngi si Caitlyn, pero napangiwi sya ng di sinasadyang matamaan ang isa sa mga galos sakanyang pisngi.

"Ano kasi--"

"She was looking for me." Singit ni Freia na as usual ay abala nanaman sa pagdrawing sakanyang notebook.

"Ba't mo naman hahanapin si Freia?" Nagtataka ang mga kulay berdeng mata ni Tyler.

Caitlyn smiled lightly, "Nag-alala kasi ako nung nakita ko na wala sya sa dorm."

Natigilan si Freia sa pagdrawing, nakatitig sa papel ang mga nanlalaki nyang mata. Si Tyler naman ay napangiti.

"We sure are lucky to have you as our friend." Tyler huffed, before reaching out and messing Caitlyn's hair.

Umiling si Caitlyn, medyo magulo ang buhok dahil sa kay Tyler, "No, I'm the one who's lucky to have you all as my friend."

Mas lalong lumaki yung ngiti ni Tyler atsaka walang ano-anong pinisil yung pisngi ni Caitlyn.

"Aray..!"

"Ay yung kalmot pala." Agad namang pinakawalan ni Tyler yung pisngi ni Caitlyn.

"Wag mo na ngang hawakan si Caitlyn." Freia clicked her tongue in annoyance, she then threw her eraser at Tyler who chuckled.

Biglang sumeryoso si Tyler atsaka tiningnan si Caitlyn sa mga mata.

"Pero seryoso, wag mo na ulit gagawin yun. Do you understand me, Caitlyn?"

"Yes Tyler."

Ngumiti si Tyler atsaka tinapik tapik ang ulo ni Caitlyn. "Good." He then looked up, looking thoughtful, "I'm sure magfre-freak out yung iba kapag nakita ka nila."

Alanganing natawa si Caitlyn dahil dito.




[LUNCH - CAFETERIA]

"Are you out of your mind?!"

Napakamot nalang si Caitlyn sakanyang noo. Kasalukuyan silang nasa cafeteria at nakapalibot sakanya ang kanyang mga kaibigan, nakakunot ng mga noo o kaya naman nanlalaki ang mga mata.

"Ah, ano kasi, napagtripan lang ng limang babae. Wrong timing lang talaga ako. Hehehe." Alanganing tumawa si Caitlyn at hindi makuhang tingnan ang mga mukha ng kanyang kaibigan na hindi maipinta ang mga mukha.

Good Girl Gone Bad [MGGIGA BK2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon