Manlalakbay

31 1 0
                                    

       


Kung dumating man ang araw na ikaw na lamang ang natirang lumalakad sa paglalakbay na minsan ay marami kang kasabay,
hiling ko na sana ay makahanap ka ng dahilan upang magpatuloy pa.

Nauna na ang iba at naiwan kang magisa. Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ang 'yong sarili lamang,
dahil sa pagkakataong ito,
ang kalaban mo ay ikaw mismo.

Kung dumako man ang araw na ito at umasa ka sa mga tao na hindi naman pala dadating,

Kung sinunod mo ang direksyon na akala mo ay may patutunguhan ngunit wala pala,

Kung naghintay ka sa biyahe pero sumapit  na ng dilim ngunit walang dumating para sayo,

Ito ang hiling ko

Magpatuloy ka kahit ikaw na lamang magisa.

Magpatuloy ka kahit malabo ang direksyon, dahil ang mahalaga ay matuto ka.

Nawa magkaroon ng lakas ang 'yong mga paa para lumakad na lamang at tumuloy sa iyong pupuntahan.

Sana ay makahanap ka ng dahilan,
Hindi 'man dahilan upang maging masaya,
Ngunit dahilan para magpatuloy pa.

Ang mundo ay laging magiging patas. Kung kaya nito na tulungan ang ibang tao, malamang ay ganoon din sayo.

Mahirap man ang kinakaharap mong paglalakbay kumpara sa iba, sana ay bigyan ka ng tadhana ng isang makulay na paglalakbay. Paglalakbay na magtuturo sa iyo para maging isang matatag na manlalakbay.


Ang Huling El Bimbo (Short Stories)Where stories live. Discover now