Love theme| Part 1

143 7 28
                                    

This story is titled: " Ang huling El Bimbo."

'Cavite music festival'

Dito unang nagsimula ang kwento namin ni Nikkita. Hindi ko inakala na ang music festival na ito ang magiging dahilan para makatagpo ako ng tao na magtuturo sa puso ko kung paano magmahal sa unang pagkakataon.

--- The day of Cavite music festival.

"Woaaah." Salitang tumakbo sa isip ko pagdating ko sa mismong venue dahil sa pagkamangha. Kumuha ako ng mga pictures para sa stories. Isa itong open field kung saan nagtipon ang mga music enthusiast mula sa ibat-ibang parte ng Cavite.

Nagsimula ang program at nakatugtog na ang ilan sa mga banda. Masaya lang akong nanonood ng mabaling ang paningin ko sa isang direksyon, mula sa di kalayuan ay napansin kong nanonood magisa ang isang napakagandang babae at ang babaeng iyon ay si Nikkita.

Nagtama ang aming paningin, kapwa tipid na ngiti ang lumitaw sa aming mga labi habang dahan-dahan kaming lumalapit sa isa-isa.

Binati namin ang isat-isa at nagusap ng konti habang ine-enjoy ang mga banda.

Ang kaninang buong atensyon ko sa performers ay nahati, matapos matuon kay Nikkita ang kalahati nito.

Maganda ang venue, magagaling ang banda na tumutugtog at higit sa lahat masaya ako dahil sa unang beses, may nakasama ako sa ganitong event.

Dumating na ang pinakahihintay naming lahat, lumabas mula sa backstage ang main performer na si Mr. Ely Buendia at tinugtog ang ilan sa kanyang masterpiece.

Masaya naming sinabayan ang lahat nang kinanta nya kagaya ng Pare ko, Minsan, Magasin at syempre ang ' Huling El Bimbo'.

' Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay. '

Masaya namin itong sinabayan. Ang masiglang crowd, si Mr.Ely at syempre si Nikkita ang nagpa-espesyal sa moment na ito.

Pagkatapos ng event ay kumain muna kami ni Nikkita sa isang fast food restaurant. First year college kami at magkaklase ngayong sem pero hindi naman kami ganun ka-close dahil iba ang circle of friends namin sa room, pero dahil sa event na ito, nagkasundo kami kahit na ngayon lang kami nagkasama at nagkausap ng ganito.

Mula kanina sa event hanggang sa kumakain na kami ay magaan ang mga naging usapan namin. Hindi ko inaakala na magiging ganito kami ka-close sa isat-isa. Masasabi ko na introvert ako at hindi masyado palakaibigan kaya masaya ako na may naging kaibigan ako na isang babae.

--- Dumaan ang ilang araw at mas lumalim pa ang pagkakaibigan naming dalawa. Bukod sa music taste, marami pa kaming bagay na napagkasunduan. Napadalas din ang mga oras na magkasama kami sa campus, tuwing may activity by partners, lunch break, vacant at uwian ay lagi kaming sabay.

Bukod sa mga gawain sa school ay dumalas din ang paglabas namin tuwing uwian dahil maaga naman ang time namin. Madalas kaming kumain sa labas at tumambay sa mga park. Isa sa naging bonding namin ay ang pagtuturo ko sa kanya ng gitara at ang panonood namin ng mga gigs at battle of the bands.

"Gusto ko Pierce the veil, All time low o kaya Greenday. Dali turuan mo na ko." Hindi ko maitatangi na cute sya sa mga oras na 'yon habang kinukulit ako na turauan syang mag-gitara.

"Hay nako ganyan din ako nung una, gusto yung mga ganyang kanta agad. Pero mas okay kung yung mga kanta na may basic chords muna ang aralin mo." Pumayag na lang sya at sinimulan ko na ang pagtuturo sa kanyang tumugtog ng gitara .

Sinimulan nyang pag-aralan ang mga kantang 'gaya ng; 214, Pare ko, You're still the one, The only exception at syempre ang Huling El Bimbo na di nagtagal ay natututunan nya rin.

Ang Huling El Bimbo (Short Stories)Where stories live. Discover now