Friendship • Bullying • Depression | Second Story

60 5 4
                                    


This story is titled: HXH





    " Kite said that no matter where we go, we'll always be friends. " - Gon Freecs.

    

     Hi ako si Aeron Punongbayan, 14 years old. Nakatira kami sa Davao. Dito ako lumaki at nagkaroon ng mga kaibigan pero dahil nalugi ang negosyo nina Papa, napilitan kaming lumipat ng Manila para doon na tumira.

May nag-alok kay Papa na isang kaibigan ng isang trabaho dito sa Manila kaya nagdesisyon sila ni Mama na dito na lang tumira, tutal dito rin naman lumaki si Mama at tumira lang doon sa Davao matapos silang ikasal ni Papa.

At dahil dito na kami tumira, kinaylangan ko ring lumipat dito ng school kahit na labag ito sa loob ko. Kahit sino naman sigurong bata hindi gugustuhin ang mag-transfer ng school, bukod sa bago ka sa lugar, maiiwan mo din ang mga kaibigan mo sa dati mong paaralan.



   --- Nagsimula na ang first day ng school, maaga akong pumasok dahil aalamin ko pa kung ano ang section ko. 'Nga pala, sa private school ako napasok noong nasa Davao pa kami, pero sa public school na ako nag-enroll ngayon para makatipid kami ng tuition kaya para sa akin, doble ang kaylangan kong gawing adjustment.

Agad kong nakita ang nakapaskil na list sa bulletin board, doon nakalagay ang mga pangalan ng transferees.

" Okay ah madami din palang transfer kagaya ko. " Hinahanap ko ang pangalan ko at nakita ko na 'IX-Loyalty' ang section na nakalagay dito kaya agad akong lumapit sa inquiry para magtanong.

Matapos magtanong ay nalaman ko kung saan naroon ang room ng IX-LOYALTY kaya agad ko itong pinuntahan.

Ibang-iba ang school na ito sa nakasanayan ko. First day pa lang ay madami ng nakatambay sa labas at may balak atang magpa-late. Yung iba nagyo-yosi sa gilid at karamihan sa kanila ay hindi naka-proper uniform. Maiinit din sa hallway dahil sa dami ng estudyante, pero ayos lang naman ito sa akin.

Ilang saglit pa ay narating ko na ang room na hinahanap ko. Pagpasok ko ay madami pang bakanteng upuan sa harap kaya umupo ako sa bandang second row kase para sa'kin sakto lang na pwesto ito.

Nag-cellphone muna ako pagkaupo, napansin ko na nakatingin sa akin ang iba. Maya-maya ay inilibot ko ang mata ko sa buong classroom hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa pintuan at laking gulat ko sa aking nakita.

" Hala bakit IX-Initiative na section ang nakalagay? " Agad kong kinuha ang aking bag at tsaka umalis sa room na iyon, lumingon ako sa labas at nakita ko ang katabing section nito na may nakalagay na IX-LOYALTY.

" Maling section pala ang napasukan ko, buti na lang napansin ko agad. " Lumakad na ako papalapit sa totoong room ng aking section. Habang palapit at bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko rin maintindihan kung bakit.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga estudyante na nakaupo sa sahig, kulang ang mga upuan kaya sa sahig na lang pinaupo ang iba.

Agad akong lumapit sa isang estudyante na nakaupo sa bandang harapan malapit sa pader, " Kuya nine loyalty po ba 'to? "

Tumango lang sya sa akin kaya ng makumpirma ko na ito nga ang section ko, umupo na rin ako sa sahig.

Pagpasok ko pa lang ay nagtitinginan na sila sa akin. Hindi ako komportable sa nararamdaman ko, wala ako 'ni isang kakilala, samantalang sila ay magkakakilala ng lahat.

Bukod sa wala akong makausap ay nami-miss ko na ng sobra ang mga naiwan kong kaibigan sa dati kong school.


Dumaan ang ilang subject at puro introduce yourself lang ang ginawa namin at nung lunch time na ay magisa lang akong kumain.

Ang Huling El Bimbo (Short Stories)Where stories live. Discover now