Five

26.8K 1.1K 282
                                    

LET ME HAVE MY NOTE HERE. HEHE.
- Kung hindi n'yo bet ang story ni Axel at Lhayanna, you are free not to read this series. Walang kaso sa akin 'yon, pero may gusto akong klaruhin sa inyo. Hindi porke't hindi siya kagaya ng ibang series, hahanapan n'yo ako nang gaya ng mga nauna. I TOLD YOU, THIS ONE IS DIFFERENT. Kung gusto n'yo pala na ang stories ko ay pare-pareho ng atake, then pwede mo na akong iwan. I won't give you that. Hindi pwedeng pare-pareho sila ng pag-atake, dahil paano n'yo madi-distinguish ang alin sa alin kung pare-pareho lang sila? Sorry, pero kung hindi n'yo pa naranasan masaktan at lokohin, then Lhayanna Alex Almeda is not just for you. Thank you. 😊

--

ALEX

Tinalikuran ko na siya at hindi ako umaasang maiintindihan niya ako. I was the one devastated... hindi naman siya.

Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng silid niya nang bigla na lamang may pares ng braso ang yumakap sa bewang ko. Natuod ako pangsamantala. Hindi ko 'yon inaasahan.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko para humarap sa kaniya ngunit muli lamang niya akong niyakap at doon ko nakitang nakaluhod siya sa akin, habang naglalandas ang mga luha sa mga niya.

"Alex.... I'm sorry. I'm sorry for being so fucked up. I'm so sorry for that selfish boy you once loved. I'm sorry for that pathetic, stupid, ill-mannered boy who broke you. He's nothing but a useless jerk. I'm sorry.... Alex," aniya at hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman sa mga katagang iyon. Tila idinuduyan ang puso at pagkatao ko sa narinig ko.

"Get off me, Axel-"

"Hindi ko alam kung ano pa bang pwede kong gawin para patawarin mo 'ko. Hindi ko alam kung ano pang dapat kong gawin para mapatawad mo lahat ng katarantaduhan ko sa'yo. Hindi ko na alam saan pa 'ko magsisimula. I broke you, and I am so damn sorry about that. Kung alam mo lang, Alex.... kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. I am so damn inlove with you since we were a kid. I am so damn inlove with you since I became aware of the word love, but I am just so fucked up back then. I don't fucking know what I really want. I ain't fucking aware of what makes me happy. I am clueless about my priorities. Sa kagustuhan kong malaman ang mga gusto ko, I ended up hurting you.... Ikaw na ibinigay lahat ng magpapasaya sa akin. I threw you.... I threw away my gem.... I threw away my treasure.... I threw away my loving Alex."

Napakagat labi ako sa narinig kong iyon, dahil may mga luhang nais bumagsak mula sa mata ko. Sa mga salitang nanggaling mismo sa kaniya, pakiramdam ko ay muli ko nanaman naramdaman ang sakit.... pakiramdam ko hindi pa man naghihilom ang sugat na likha niya, ay muli nanaman itong nanariwa.

I composed myself. Hindi ako pwedeng umiyak.... no, not anymore.

"Your sorry means nothing now, Axel. Saan pa tayo dadalhin ng sorry mo? Sa'yo na mismo nanggaling, tinapon mo 'ko. You threw me.... you wasted me. You threw me when all I did was to give everything to you. Binigay ko naman lahat. Ginawa ko naman lahat. Maybe.... just maybe.... I wasn't enough for you back then.... and I am sorry, Axel.... I won't let myself be thrown again. Naitapon mo na akong minsan, katangahan na kung hahayaan ko iyong mapangalawahan," wika ko sa kaniya saka ko sapilitan na kinalas siya mula sa akin at humakbang ako patalikod.

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon