Twenty-two

20.5K 949 175
                                    

ALEX

                    

Kabado akong binabagtas ang pasilyo ng ospital. Naitanong ko na sa nurse sa station kung anong room number niya. Kanina pa ako palingon-lingon ngunit hindi ko mahanap ang kwarto na iyon.

                        

Pinipilit kong hanapin ang room 555 ngunit hanggang room 554 lang talaga ang narito. Ang kabang nararamdaman ko ay unti-unting napalitan ng pagkalito.

                            

"Hi, Miss. May hinahanap ka po?" tanong sa akin ng isang nurse na nakasalubong ko. May tulak-tulak pa itong wheelchair.

               

"Oo sana, Miss. Saan ko ba makikita 'yong room 555? Kanina ko pa kasi hinahanap pero hanggang 554 lang," tanong ko rito saka pa ako napasuklay sa buhok ko na hindi na pala nakatali ng maayos.

                            

"Ay, Miss, bodega po ang room 555. Sa dulo po ng floor na 'to tapos sa may right wing," nakangiting wika nito sa akin.

                      

Napakunot ang noo ko. Bakit bodega ang itinuro sa akin? Anong ginagawa ni Axel sa bodega?

                     

Patakbo kong tinungo ang dulo ng floor na ito at lumiko sa kanan. Doon ko nga natagpuan ang isang silid ngunit tila wala naman tao sa loob dahil aninag mula rito sa labas na walang nakabukas na ilaw mula sa loob.

              

Kumatok ako ng tatlong beses at halos mahintakutan ako nang biglaan na lamang bumukas ang pinto na animo ba pinatutuloy ako sa loob.

                      

"A–Axel?" utal na wika ko. Matapang ako sa mga bagay-bagay, pero malaki ang takot ko sa multo.

                 

Walang sumagot. Pumasok ako at agad na naghanap ng switch ng ilaw. Nang makita ko ito ay agad kong pinindot ngunit walang ilaw na bumukas. Nanginginig na ako. Sobrang hina ko pagdating sa mga multo lalo pa't nasa ospital ako.

                        

"A–Axel sinasabi ko sa'yo! Kung prank 'to itigil mo na!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.

               

Halos mapagutan ako ng hininga nang bigla na lamang magkaroon ng liwanag at pagtingala ko at may animo galaxy effect sa kisame kasabay ng isang tugtugin at tinig na kilalang-kilala ng buo kong pagkatao.

     

[PLAY KLWKN BY MUSIC HERO FOR BETTER FEELS]

     

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan, kapag kapiling kang tumitig sa kawalan. Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan, nating dalawa... nating dalawa," anang isang tinig at unti-unti itong lumabas mula sa pinagkukublian at nakita ko si Axel na nakangiti sa akin. Hindi ko maiwasan ang biglaang paglukso ng puso ko nang makita ko siya.

                    

"Tanaw pa rin kita, sinta. Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala. Sa tuwing nakakasama ka, lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata. Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay. Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay," pagpapatuloy niya sa pagkanta saka lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I love you," bulong niya sa pagitan ng pagkanta.

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Where stories live. Discover now