Twenty-seven

19.3K 796 106
                                    

ALEX

       

Nanginginig ako. Para akong tatakasan ng bait. Hindi ko alam ang gagawin ko—Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Nasasaktan ako, gusto kong magwala at kwestyonin ang Nasa Itaas kung bakit nangyayari lahat nang ito, pero tila na ako nauubusan ng lakas.

                         

"Breathe, Alex. Maaayos din ang lahat," ani Missy saka ako niyapos.

                            

"Napapagod na 'ko. When Axel left, Aex gave me reasons to live. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Anak ko 'yon, Missy. He's my greatest treasure. Siya lang 'yong ka-isa-isang taong alam kong hindi ako tatalikuran kahit na kailan," wika ko saka isa-isa nang nagbagsakan ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko.

                        

"Hindi ko masabing ayos lang ang lahat dahil kung si Kyree ang mawawala sa akin, baka ikamatay at ikabaliw ko. I'm really sorry for this, Alex. Mahahanap din nila si Aex," aniya at hinaplos ang likod ko.

      

Nang hindi namin mahanap si Aex kanina ay agad namin tinungo ni Axel ang Phyrric. Kapwa kami natataranta kaya hindi namin alam kung paano kaming nakarating ng maayos rito. Agad kumilos ang mga agent at ako naman ay iniwan lang dito sa opisina kasama si Missy. Alam kong sinadya siyang ipaiwan ni Axel dahil iniisip niyang baka kung anong gawin ko.

                      

"Alex!" Kapwa kami napalingon ni Missy sa boses na iyon at nabungaran namin si Gyor na may hindi magandang ekspresyon sa mukha. "You have to go to Callia's office," aniya at parang kumabog ang dibdib ko sa narinig kong iyon.

                 

Hindi ko alam kung gaano ko kabilis na narating ang opisina ni Callia, basta't naabutan ko na lamang na halos lahat ng agent ay narito.

                            

Sinalubong ako ni Axel ngunit hindi ko magawang tignan siya sa mga mata. May hindi ako maipaliwanag na emosyon sa dibdib ko.

                    

Sa halip na lumapit ako sa kaniya ay kay Callia ako lumapit. Naramdaman ko ang pagkadismaya niya sa inakto ko pero wala yata akong panahon na isipin iyon sa ngayon.

                                 

"I tried tracking some cctv footages kung saan kayo nanggaling at ang nakuha ko lamang ay video ng isang kahina-hinalang van. To my dismay, it has no plate number," ani Callia.

            

Muli na naman pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang mahanap ko ang anak ko.

                             

"Can you do anything for my son? K–Kahit buhay ko ang hingin n'yong kapalit ibibigay ko. Just give my son back to me. H–He's just a little boy. H–Hindi niya dapat nararanasan ang ganito." My voiced cracked. I feel so damn devatated. I feel so damn useless. Para akong walang kwentang ina. Nawala ang anak ko na halos nasa tabi ko lang mismo... at ito ako, tanging pag-iyak lang at pagmamakaawa ang magagawa.

                      

"I examined the handwriting," ani tita Aeickel na pumukaw sa atensyon naming lahat.

The Indecent Suitor (Freezell #10) [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora