24

2.4K 80 26
                                    

J H O A N A

"Wala na ba kayong naiwang gamit? Make sure you have all your valuable things in your bags and pockets."

Magche-check out na kami sa hotel na tinuluyan namin dahil tapos na ang 3-day team building ng buong team.

At hanggang ngayon, hindi pa rin kami nakakapag-usap ulit ni Maddie pagkatapos ng nangyari kahapon. Ni hindi ko nga alam kung kanino kami sasabay ng kapatid ko pauwi. Dahil hindi ko pa kayang kausapin or lapitan man lang siya.

Bitbit ko ang bagahe ko palabas na ng hotel.

"Hmmm ate, sa bus na lang ng team tayo sumakay, gusto mo?"

Alam kong ramdam ni Jaja na hindi ako papayag sumakay sa sasakyan ni Maddie.

"Hmm, sige--"

"Hatid ko na kayo?" nagulat ako nang biglang sumulpot tong si Beatriz.

"Bea, nakakagulat ka!"

Natawa lang siya at nag-sorry din naman.

"Wag na. Nakakahiya. Sa'yo na nga ako sumabay papunta rito, tapos aabalahin na naman kita sa pag-uwi?"

"No, it's okay. Walang problema yun. Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?" she mimic what I've told her yesterday nung nasa trekking kami.

Inirapan ko siya at bumuntong-hininga. "Hays, sige na nga. Dami ko nang utang sa'yo ha!"

"Wala kang utang." tinulungan niya kami ni Jaja sa mga gamit namin para maisakay sa trunk ng kotse niya.

"Nasabi mo na bang...hindi kayo sasabay sa kanya?" maingat na tanong ni Bea sa akin.

Tatanungin ko na dapat siya kung sino ang tinutukoy niya pero nakatingin kasi siya sa ibang direksyon at nakita ko rin kung sinong tinititigan niya.

Si Maddie nag-aayos ng gamit niya sa trunk ng sasakyan niya.

"Lapitan mo. Magpaalam ka man lang kakahit papaano." seryosong sabi ni Bea nang hindi ako nililingon.

"Okay...sige." huminga akong malalim bago nilapitan si Maddie.

"U-uy, Jho!" nagulat siya nang makita niya ako pagka-sara niya ng trunk ng sasakyan niya.

"K-kay Bea na lang kami sasabay pauwi. T-tutal magkaibang ruta ang papunta sa condo namin at sa condo mo. Para hindi ka na maabala pa." diretso kong sabi sa kanya.

"O-okay... I-ingat kayo..." pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Ingat." yun na lang ang sinabi ko bago ako patakbong bumalik kina Bea.

"Ano? Okay na?" tanong niya na naka-cross arms pa.

"Oo, nagpaalam na ako. Tara na?"

Tumango lang ito bago kami pinagbuksan ng pinto ni Jaja. Ang gentlewoman talaga.

Naging tahimik lang kami sa byahe. Hindi kami halos nag-uusap ni Bea dahil ayokong marinig ng kapatid ko kung anong nangyaring away sa pagitan namin ni Maddie. Tho tingin ko naman, alam niyang nag-away kami.

Si Bea, hindi naman siya nag-uumpisa ng topic dahil sa tingin ko, alam niya kung kailan dapat i-open up ang ganong bagay. At hindi yun sa harap ng kapatid ko.

"We're here." ni hindi ko nga namalayang naihatid na kami ni Beatriz sa building ng condo naming magkapatid kung hindi pa siya nagsalita.

Sakto naman at gising na si Jaja kanina pa kaya lumabas na siya ng sasakyan ni Bea at kinuha ang ilan sa gamit namin.

THIS TIME (Borrowed Time II)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu