How I Met The Santos Squad🌿✨

772 51 10
                                    

Siguro sa lahat naman ng relasyon, lahat tayo may isang bagay na gusto natin pare parehong makuha.

Pagtanggap.

Isa yan sa mga bagay na mahalaga sayo lalo na kung mahal mo talaga yung isang tao.

Pagtanggap ng mga taong nakapaligid sa kanya kabilang na ang mga kaibigan at syempre pinakamahalaga ang pamilya niya. Sino ba naman ang ayaw na tanggapin siya ng mga mahal sa buhay ng pamilya ni jowa diba?

Minsan, nag uumpisa ang ika nga nila ay ‘plot twist’ ng isang relationship sa oras na makilala na ng isa ang pamilya ng isa and vice versa. Madalas totoo nga yung mga tipo ng mga eksena na tinututulan, pinaghihiwalay at kung anu ano pa. hanash sa mga napapanood nating drama.

Totoo rin naman ang sabi nila na hindi naman ang pamilya niya ang jojowain mo pero para sa akin, sobrang halaga na makapalagayan mo ng loob ang mga taong magiging parte na kung sakali ng kwento niyo habang buhay.

At tama nga, dahil sila ay naging malaking bahagi ng storya namin ni Erik sa paglipas ng panahon.

Ang ikalawang pamilya na minahal at tinanggap ako bilang si ‘Angie’, ang mga Santos.

----------------------

🗓: NOVEMBER 2011

“POGS NAMAN EH. Kailangan bang ngayon na talaga?”

Kabadong sabi ko habang paulit-ulit na tumitingin sa bintana ng kotse at tinitingnan ang daang binabaybay namin.

“Oo, bakit ayaw mo ba?” sagot naman sa akin ni Erik.

Nilingon ko siya. Nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa harap ng kalsada.

Napabuntong-hininga ako. Kinakabahan talaga ako. Anong sasabihin ko sa kanila kapag nakaharap na nila ako?!

“Eeeeh kasi Pogs, hindi ako ready. Ni wala nga tayong dala na kahit anong pagkain man lang oh. Nakakahiya naman.” sagot ko.

Kakatapos lang ng ASAP at pagpasok ko pa lang ng dressing room ay mabilis niya na akong niyayang umalis. Akala ko nga ay kakain lang kami at magddate, ni hindi ko naman alam na ito na ang plano niya.

Tsaka isa pa, hindi ko yata dala yung presence of mind ko, baka mawindang lang sila sa akin.

“E kaya nga kita isasama doon diba? Para kumain. Bakit ka pa magdadala? Hindi mo naman sila liligawan.” he joked.

Tinarayan ko naman siya. Bakit ba napakachill niya?

Hmmp palibhasa nagustuhan kaagad siya ni Mama Bob kaya hindi niya alam ang pakiramdam ko ngayong haharap kami sa mga magulang niya.

Oo, tama nga. Ito ang unang beses na makikilala ko sa personal ang pamilya ni Erik.

Sobrang kabado ako alam niyo yun? Grabe, daig ko pa yung biglang natawag sa graded recitation.

Sa totoo lang ay hindi naman ito ang unang beses na binanggit ni Erik sa akin na gusto niyang makilala na ako ng mga magulang niya.

Aminado ako, halos saglit pa lang kaming nagdedate at isang taon pa lang kaming
magkakilala kaya nagulat ako na gusto niya na kaagad akong iharap sa mga magulang niya.

Siguro nga kung ibang lalaki ‘to, hindi ka man lang ikukwento sa pamilya niya hanggang hindi niya pa nakukuha yung matamis mong “OO”. But with Erik, it’s different. Tila ba sigurado na siya sa akin.

Sabi niya pa nga ‘Kung hindi ngayon kelan pa?

Oo, nakikita ko sila madalas sa tuwing sumasama sila sa ASAP pero iba ang pagkakataon na 'to dahil ito ang unang beses na pupunta ako sa kanila na kami ni Erik bilang... magjowa? Hindi, ah basta.

Behind the Seen (Short Stories)Where stories live. Discover now