Keia🌿✨

768 41 14
                                    

ANGGE’S POV:

“Hmmmmn margarine, butter, powdered milk, asin, uhmm ano pang kulang Gege ko?”

Abala ako sa pagtingin sa mga inilista ko sa cellphone ko habang naglalakad.

“Toyo Love, wala pa palang toyo tsaka----” sabi ko naman nang hindi nililingon si Erik.

“Toyo? Huwag na, lagi ka namang tinotoyo eh, kulang pa ba?”

Dahil sa sinabi niya ay tumigil ako sa paglalakad at pinigilan ko rin ang push cart na tulak-tulak niya sa tabi ko.

“Anong sabi mo?”

Napahawak siya sa batok niya. Sa tuwing ginagawa niya yan ay naaalala ko yung Erik na walang ibang ginawa noon kundi inisin ako.

At lumipas man ang mga taon, wala pa rin talaga siyang pinagbago. Napakadaot, paano ba kami nagtagal nang ganito?

“Ahhh ehhhh, wala wala. Ang sabi ko nga kelangan natin bumili ng maraming toyo.”

“Nakikipagbiruan ba ako sayo, Santos?”

Tila kinakabahan naman na ngumiti siya. Alam na alam niya kapag konti na lang ay bingo na siya, ngingitian niya na lang ako dahil alam niyang wala naman siyang magagawa. Ako ang boss.

“Hehe hindi misis. Sorry na. Kuha na tayo ng toyo dali. Gusto ko yata ng adobo mamaya.” sabi niya pa at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Toyo toyo ka diyan, umayos ka baka gusto mong ikaw ang gawin kong adobo. Seryoso ako dito.” sagot ko naman.

Totoo naman kasi, seryoso ako sa ginagawa kong trabaho ngayon. Importante ang araw bukas. Dapat talaga hindi ko siya isinasama. Mas malala pa ang inis ko sa kanya kaysa sa dalawang bata na kanina pa takbo nang takbo habang namimili kami.

“Hmmmp joke lang nga eh. I love you.” masayang sabi niya at kumuha na nga ng isang bote ng toyo para ilagay sa cart.

Natawa na lang ako sa isip ko. Oh diba, tiklop siya kaagad pag naiinis na ako.

Ngayon, isa ‘to sa mga normal nang araw sa buhay namin ni Erik makalipas ang ilang taon. Nasa isang supermarket kami ngayon para mamili ng mga kailangan namin sa bahay.

Sa loob ng ilang taon ng pagsasama namin ni Erik, nasanay na kami na kami ang gumagawa nang ganito sa tuwing may libre kaming oras. Kumbaga, paraan na rin namin ‘to para libangin ang sarili namin tuwing walang trabaho dahil bihira lang talaga mangyari yun.

Isa pa ay paraan din namin ‘to para makasama ang dalawang makukulit naming mga anak na ayun nga, kanya-kanya nang dampot ng mga gusto nilang bilhin na pagkain habang namimili kami.

Ayos lang, may pera naman ang tatay nila. Ginusto ‘to ni Erik diba?

Naglakad na kami muli ni Erik at nagpatuloy sa pamimili. Nasanay na rin si Erik na pag naggrocery kami ay taga-tulak lang siya ng cart dahil ako naman ang nasusunod palagi.

“Hmmmn magbabarbecue tayo bukas diba Love?” tanong ko naman sa kanya.

May family bonding kasi kami bukas sa bahay kasama ang pamilya rin nila Ron na kapatid niya.

“Ay oo nga. Tsaka Love bili na rin tayo ng-----”

“MOMMY, ETO!” naputol nanaman ang atensyon namin sa isa’t isa nang bigla nanamang sumingit si Arki patalon na lumambitin sa cart na parang nagsshoot ng bola na inilagay yung biscuit sa cart.

“Alam mo nung bata ako hindi naman ako ganyan kalikot. Siguro mana talaga sila sayo.” pang-aasar ni Erik sa akin.

“Wow ang linis ng pagkabata ah? Mabait din kaya ako noong bata ako.” syempre hindi ako magpapatalo.

Behind the Seen (Short Stories)Where stories live. Discover now