Baby Blues🌿✨

690 43 2
                                    

LOVE, ano sa tingin mo?”

Natigilan naman ako sa paglalakad para lingunin si Erik na nasa likuran ko.

I frowned a little bago nagtatakang ngumiti.

“Hmmmn tingin ko Love.... ang gastos mo.” sagot ko naman at lumapit muli sa kaniya.

Pero imbes na sumagot ay ngumuso lang siya kaya hindi ko na napigilang hindi matawa.

Ang sarap niyang kurutin, naku nanggigigil nanaman ako sa kanya dahil para siyang batang 3 years old.

“Bilhin na natin ‘to sige na. Gusto ko ‘tong color blue oh.” pagmamaktol niya habang nakatingin sa color blue na walker assistance para sa bata.

Gusto niya daw akala mo naman siya ang sasakay diyan. Pambihira.

“Love naman, masyado pang maaga. Hindi pa natin kailangang bumili ng mga ganyan.” pagpipilit ko.

“Bakit naman?”

"E kasi po diba hindi pa nga lumalabas yung anak mo ano ka ba naman! Hindi pa nga natin alam kung babae o lalaki diba?” hindi ko makapaniwalang sabi.

Nakakatawa kasi talaga siya. Halatang sobrang excited. Nasa mall kami ngayon at kakatapos lang naming magpacheck-up. Ito yung unang beses na isinama ko siya sa ospital mula noong nalaman niya na buntis ako.

----FLASHBACK----

Sigurado ka bang sasama ka sa loob?

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko nang tinanong si Erik ngayong araw na ito.

But instead of answering right away, he lightly chuckled and then squeezed my right hand na hawak-hawak niya habang naglalakad kami sa hallway ng ospital.

“Oo naman, bakit ayaw mo ba? Will it make you uncomfortable?”

I shrugged, “Hindi syempre, bakit naman ako maiilang sayo? Pwede mo naman akong hintayin na lang sa labas. Saglit lang yung check-up kay baby, Love.

Sabagay bakit ka nga naman maiilang e ako nga ang gumawa sayo niyan.” he joked again which made me roll my eyes before he continued, “Sasama ako sa loob, Love. Gusto ko ring makita si baby. Gusto kong marinig yung mga sasabihin ng doktor para alam ko kung paano ko aalagaan ang mag-ina ko.

Halos matunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya. I never thought that Erik would grow into such a very loving father-to-be.

Inaalagaan mo naman kami nang maayos palagi. Hindi ka nagkukulang sa amin ng anak mo, Pogs. Spoiled nga kami ni baby sayo eh.”

Kulang pa lahat nang yan sa ilang buwan na hindi ako nagkaroon ng tyansa na alagaan kayo dahil hindi ko kaagad nalaman na nandyan na pala si baby.

Na hindi mo naman kasalanan.” I added.

Alam ko pero diba pangako ko sayo, I will be a responsible father. Hindi ka mag-iisa kasi lagi akong nandito para samahan ka sa lahat.” he smiled before kissing the back of my hand.

At dahil gusto nga daw niyang sumama sa loob edi sige pagbigyan.

Good morning, Doc.

Oh, good morning Angeline--- and wow it’s nice to finally see you here, Mr. Santos.” bahagya pang natigilan si Doc Anne nang makita na kasama ko na ngayon si Erik.

Classmates si Anne at Erik noon kaya nga si Anne na rin ang napili kong maging doktor ko.

Akala ko hindi kita makikita hanggang sa makalabas na ang anak mo eh.” Anne even added.

Behind the Seen (Short Stories)Where stories live. Discover now