SeloSANTOS🌿✨

325 21 2
                                    

(A/N: This one is quite short. Again, this was written during my younger years as AE Fan Fiction so please bear with me haha. I also added some parts here dahil wala lang trip ko lang haha para naman may bago sa paningin niyo. Dami kong time diba hahaha)

Also, I decided to change my profile picture here. Wala lang trip ko lang rin hahaha yun lang thankie, enjoy!)

ANGGE’S POV:

"GOOD MORNING LOVE!"

Hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang papunta sa sala at kahit na papikit pikit pa ako ay alam ko na kaagad kung kaninong boses ang sumigaw.

Kaya pala may nanonood ng TV, ang aga aga.

Nang makabawi na ako ay tiningnan ko na ang lalakeng prenteng nakaupo sa sofa habang hawak ang remote ng TV namin.

Tumingin ako sa orasan.

"Alas otso pa lang ng umaga. Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko.

"Wala akong trabaho malamang." simpleng sagot niya lang at ti-nap ang tabi niya senyales na umupo ako doon.

"Oo alam ko, huwag mo akong pilosopohin, Santos. Bakit ang aga mo?" sabi ko pa at tumabi na nga sa kanya.

Humabol pa ng 'good morning kiss' daw niya. Ni hindi pa nga ako nagttoothbrush.

Nasanay na si Erik na ginagawang tambayan ang bahay namin sa tuwing wala kaming trabaho. Kung hindi naman ay doon kami sa kanila. Kaya alam ko na kaagad na sa tuwing may nanonood ng TV sa sala ay siya na kaagad yun dahil ganoon siya ka-'At home' sa bahay namin.

Pero ang aga niya nanaman ngayon. Madalas kasi ay tanghali na siya pumupunta.

He just shrugged at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Wala lang, maaga akong nagising tapos hinanap ka na kaagad ng puso ko. Ayaw mo ba akong makita?" pabirong tanong naman niya habang nakatutok ang mata sa TV.

"Ang arte." sagot ko naman at pumikit na lang sandali. Haaaay ang sarap sa feeling nang may ganito kagwapong katabi sa umaga. Talagang good ang morning.

Makakatulog na ulit sana ako nang maya-maya ay narinig kong nagsalita si Erik.

"Love." tawag niya.

"Hmmmm..." tanging sagot ko lang at yumakap sa kanya.

"Wala kayong almusal?"

Dahil doon sa sinabi niya ay unti unti akong napadilat. Tiningnan niya naman ako at nginitian bago muling nagsalita.

"Luto ka na, gutom na ako eh."

AY NAKO

----

“WALA ka bang pamilya? Bakit ba laging dito ka nag aalmusal? Pakiabot nga yung isang plato diyan.”

Ipinatay ko na yung mga piniprito kong ulam at nang maiabot na sa akin ni Erik ang isa sa mga plato ay inilagay ko na ito dito para matapos na.

“Eh wala eh, mas gusto kong nag aalmusal dito sa inyo. Para may dahilan ako para makita ka. Tsaka marami ka namang pera, di naman kabawasan sayo ‘tong hotdog at kanin.” Kumindat pa siya sa akin habang hinahalo naman yung kape na iinumin namin, “Tsaka pamilya na kita, diba? Pamilya tayo.”

Behind the Seen (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon