Chapter 21

27.6K 561 10
                                    

Isang linggo na ang lumipas na parang nasa isang ipo ipong pinaikot ikot ako hanggang mahilo at matumba. Matumba sa saya at sa kilig. 

Pagkabalik namin sa bahay that Sunday afternoon para sunduin si Mia ay iba na ang tingin sa akin nila mama. Alam na ata nila, siguro sinabi na ng makulit kong anak na kakontsaba ng tatay niya. At si Kelly naman, ay halos sambahin ang engagement ring ko sa sobrang ganda at pinagpipilitan ang sarili niya na maging maid of honor ko. Ang OA talaga ng kapatid ko, oo. Pero sad to say sa kanya, ay si Zia ang baliw kong BFF ang magiging maid of honor ko.

Monday morning ay inannounce ni Tristan sa office ang engagement namin dalawa which took me by surprise. At masaya naman yong tinanggap ng mga katrabaho ko except Miss Jade of course, but I really don't care about her. Ang importante ay mahalaga, okay lame joke, ang importante ay okay naman sa staff na may relasyon kami ng big boss. At nalaman ko rin like my parents had done ay pinagpustahan din pala kami ng mga staff. Mga loko talaga, anong akala nila sa amin ni Tristan, laro ni Pacman o NBA finals?

Anyway, Tristan had also another surprise for me on that Monday morning, and guess what it is? Kung nahulam niyo edi mabuti, kung hindi e di wawa kayo, joke lang. Sige, sasabihin ko na, drum roll please......pinasoundproof na ng bruho ang office naming dalawa. Kaya ayon, nabinyagan agad on a fine Monday morning ang ngayong soundproof na office naming dalawa. Diba mga maniac lang sa isa't isa? Ganyan ata kami magmahalan na dalawa.

Nalaman na rin ng barkada ang engagement ko dahil sa mga tabloid. Hindi ko alam kung paano nalaman ng media ang engagement namin pero ayan na at wala akong magagawa. They want to meet him badly at gusto nilang magkita kami on Friday night for a dinner and maybe some bar hopping. And that Friday night is tonight.

"Are you sure that they won't eat me alive?" Tanong ni Tristan after niyang mapark ang sasakyan sa labas ng restaurant.

"They won't." Sagot ko sabay pisil sa ilong niya. "But they do bite." Dagdag ko sabay tawa at napasimangot naman siya dahil doon. 

"Wag kang mag.alala, andito lang ako at hindi kita pababayaan. I think they will love you. Sa gwapo mo ba naman yan." Sabi ko sa kanya pampalubag ng loob.

"You are really good with words." He mumbled as he pull me close. "I love you."

"I love you too." At dahan dahan niyang nilapat ang kanyang mga labi sa akin. Our kiss was gentle, savoring the moment with each other.

"Tara na." He whispered as he break away from my lips. "Baka kasi iba pa ang magawa ko sayo dito sa loob ng sasakyan."

Feeling ko namula ako ng sobra dahil sa sinabi niya. Maniac talaga ang lalaki na to, kung ano ano na naman ang iniisip.

Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok sa restaurant na nakahawak ang kamay. Nakita ko kaagad ang barkada na nakapwesto sa may dulo na kumakaway kaway sa amin.

"Katey!" Sigaw ng baklang si Mark at agad akong niyakap. "Ang tagal natin hindi nagkita girl and now I know why." He said wiggling his eyebrows at me then eyed Tristan.

I rolled my eyes at him at hinampas ito sa braso. "Malisyoso ka talaga Mark."

"Kate!" Tawag ni Zia sa akin. Lumapit ako sa kanya at nagyakapan kaming dalawa. Naman! Namiss ko ang baliw na to.

"Oi! Ako din!" Sabi ni Andy na tumayo na at yumakap din sa akin. Ayun, nag group hug na kaming apat kasi sumali na din ang baklang si Mark.

"Pakilala mo na si boylet girl." Sabi ni Mark after ng group hug namin.

Oo nga pala, kasama ko si Tristan. Sobrang na miss ko kasi ang tatlong baliw na to, mga ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Lumapit ako kay Tristan at hinawak ang kamay nito. "Mga baliw." Yes, yon ang tawagan naming apat. Mga baliw kasi kami, especially pagnagsama. "This is Tristan, my fiancé. Tristan, this is Andy.."

The Accidental Sperm Donor { Complete }Where stories live. Discover now