Chapter 22

26.6K 504 6
                                    


"Yes Sir, the meeting will be on Friday afternoon." Informed ko kay Mr. Ramos sa phone, he is one of Tristan's dealer on cars. May shipment kasing dadating this week end galing Japan na mga sasakyan. "Okay Sir, yes, see you then." Pagpapaalam ko tapos nilagay na sa notebook ko ang schedule ng meeting pati na rin sa computer ko for the reminder. 

Kakatapos ko lang maset yong reminder ng tumunog ang phone ko due to a message. Kihuha ko yon sa bag with curiousity kung sino kaya ang nagtext, I seldom receive text messages kasi, at mostly emergency yon.

Tristan: Are you busy?

Taas kilay kong binasa ulit ang text niya. "Ano kaya ang kailangan nito?" Bulog ko sa sarili. Wala kasi ito ngayon sa office at may pinuntahan na meeting for another shipment this weekend.

Kate: Hindi na masyado, why?

Tapos ko na kasi halos lahat ng mga work load ko plus it is already quarter to 5, uuwi na rin ako maya't maya at susunduin si Mia kina Mama.

Tristan: Nothing. Namiss lang kita.

Dalawang oras pa lang kami ng hiwalay, namiss ka agad, bolero talaga to. Pero aaminin ko kahit sa simpleng ganun lang ay kinilig na ako. With a smile, I immediately replied.

Kate: Bolero. Tapos na ba meeting mo?

Pinatay ko na ang computer habang hinihintay ang reply niya na hindi naman matagal. "Ang bilis magreply ng bruho ah, tapos na ata ang meeting."

Tristan: Slight, may kasalanan ka pa pala sa akin.

Tumaas ang isang kilay ko ng mabasa ang text niya. "Anong kasalanan kaya ang pinagsasabi ng bruhong ito?"

Kate: Kasalanan? Anong kasalanan ang pinagsasabi mo?

Finally, na shut down na din ang computer ko. Niligpit ko na ang mga gamit ko at tamang tama pagkatayo ko ay nagreply si Tristan.

Tristan: You left me hanging this morning, you tease.

I bit my lower lip as I read his reply, akala ko ay nakalimutan na niya yon. We had another almost session this morning but we were interrupted by Mia when she knocks on our door. At dahil dun ay nakatakas ako sa kanya, teasing him so as we dress up to work.

Kate: That was your punishment. Masyado ka kasing hot.

I giggled at my reply as I slung my bag unto my shoulder and walk out of the room. At dahil wala si Tristan ay commute pala ako papunta sa bahay sana hindi masyadong matao sa MRT. Nilock ko ang office at bumaba na sa lobby, namataan ko si Jane at si James na kumakaway sa akin.

"Hey! Himala hindi kayo OT na dalawa ah." Mostly kasi ay OT silang dalawa. "May date kayo noh." Tukso ko. Namula naman silang dalawa at kinuha ko na yon na "oo" na sagot sa tanong ko.

"Pauwi ka na din ba Kate?" Tanong ni James.

"Hindi pa, susunduin ko pa kina mama si Mia." Sagot ko.

"Kay Sir Tristan na pala talaga kayo noh?" Comment ni Jane. "So, kailan pala ang kasalan Kate?"

Napaisip ako dun ah, hindi pa namin napag-usapan ni Tristan kung kailan ang kasalan pero kung ako lang ang pwede na end of this year. Which is three months from now, tama na siguro ang ganun katalaga para magprepare ng kasal diba?

"Baka end of this year, hindi pa kasi namin napag-usapan eh."

"Ah, ganun ba? Maganda nga yon, December wedding." Sambit ni Jane.

The Accidental Sperm Donor { Complete }Where stories live. Discover now