Chapter 23

26.5K 485 4
                                    

Nakatayo ako sa harap ng isang lumang building sa may Mandaluyong, isang building na sa tingin ko ay isang lindol lang ay guguho na agad. Medyo na sa looban ang naturang building na ito at halos hindi na nga matunton ng taxi driver na sinakyan ko kanina. 

“Sigurado ka ba na ito yong lugar na yon Zi?” Tanong ko kay Zia na nasa kabilang linya ng cellphone.

“Oo nga, naasan ka na ba?” Sagot nito.

“Nasa labas na, kanina pa.”

“Gaga, bakit ngayon mo lang sinabi? Sige baba na ako at pupuntahan kita dyan.” She said then hung up on me.

Nandito ako ngayon dahil sa kay Zia at sa friend daw niya na wedding planner. Gusto ko kasi na ako ang magaasikaso ng kasal kong to, isang beses lang ikakasal ang isang babae kaya gora gora na. Hindi ko alam kung yong building ba ito ay ang opisina ng wedding planner na friend ni Zia or bahay niya lang, either ways ay weird pa din kasi masyadong luma na talaga ng building.

“Katey!” Biglang lumabas si Zia sa pinto sa may gilid ng building.

“Sigurado ka ba dito?” Tanong ko sa kanya ng paakyat kami sa hagdaan papunta sa third floor ng building.

“Oo, ano ka ba. Wedding planner kaya siya ng mga celebrity.” Pagmamayabang nito.

“Really? Like who?” Tanong ko na iniisip agad if siya ba ang naging wedding planner sa kasal ni Zoren at Carmina.

“Like Tuesday Vargas at Jay ng Kamikazee at kay Yael ng Spongecola.” Laglag balikat naman ako dun. Puro hardcore na wedding pala ang ginagawa nito, baka magiging hardcore black and white ang wedding ko nito.

“Ano nga pala ang pangalan ng babaeng wedding planner na to?”

“Ay! Hindi siya babae Kate.” Sagot niya sabay tigil sa may isang pinto tapos binuksan yon. “Lucas! Andito na siya!”

Isang lalaking na nakasando at nakaskinny jeans ang lumabas. Sa tingin ko ay kaedaran lang siya namin ni Zia, ruggedly handsome at paranng model ang pangangatawan. Feeling ko, boylet ata ito ni Zia, nasa category ng mga type niya ang ahmuk eh.

“Hi!” Lucas greeted as he offer his hand which I shake instantly.

“Hello.” Bati ko din sa kanya. “Wedding planner ka ba talaga?” I asked bluntly.

He smirk and nodded his head. “Hindi naman lahat ng wedding planner ay babae. I just happened to be a hopeless romantic guy who wants to help couples make their promise to each other come true.”

Lumapit ako dito at kinurot ang pisngi niya, medyo nagulat siya sa ginawa ko. “Bakit mo siya kinurot Kate?!” Gulat na tanong ni Zia.

“Gusto ko lang malaman kung totoo ba siya. A guy who talks like that seem so good to be true.” Sagot ko kay Zia tapus tumingin agad kay Lucas. “Bakla ka ba?”

Natawa si Lucas dahil sa tanong ko at hinampas naman ako ni Zia sa braso at pinandilatan. “Ano? Nagtatanong lang naman noh, ano ang masama dun?”

“You are being rude.” Sambit ni Zia.

“No, it’s okay Zi, lagi kong nakukuha yan.” Pagtatanggol ni Lucas sa akin. “Hindi lang kasi sanay ang mga tao sa mga lalaking katulad ko.” He then winks at me.

“I don’t know if I would apologies or not.” Pranka kong sabi sa kanya. “But I think I rather not, I was just being honest.” Medyo pinagdiinan ko talaga ang honest para kay Zia. “Ang swerte ng babaeng mamahalin mo.”

I saw Zia blush by what I said, patay siya nito sa akin mamaya.

“Sana naman ay ganun ang nararamdadam niya, na maswerte siya sa pagmamahal ko sa kanya.” Tugon ni Lucas na nakatingin kay Zia. Oh..parang may namumuong something dito ah.

The Accidental Sperm Donor { Complete }Where stories live. Discover now