Chapter 9

1.5K 55 1
                                    

Chapter 9

Pumayag ako sa offer ni Jaxon.Kasama na din doon ang lagi kong pag dikit sa kanya sa eskwelahan.

"Tama ba yan Tallie?Paano kung may mangyaring masama sayo?",Nag aalalang tanong ni Maui.Sya nalang kasi ang matitira sa dorm namin at may kapalit na ako.Sigurado akong mahihirapan syang makihalubilo.Introvert pa naman ito.

"Don't worry,Mau.Kaya ko ang sarili ko."Sabi ko habang nag eempake.Ipapasundo raw kasi ni Jaxon ang mga gamit ko mamaya at sabay kaming uuwi pagkatapos nito, kaya agad akong nag eempake.

"Sure ka ha.Sige Tallie,I'll miss you huhu wala na akong ka kwentuhan sa gabi!",Madrama nitong sabi.Napatitig ako sakanya.Mahirap nga namang makisama muli.Basta bahala na.Pag ka graduate korin naman ay agad nang mawawala si Jaxon sa landas ko.Dalwang sem nalang Tallie,giginhawa karin.

Ngumiti ako."Sige na,andyan na yung magiging kapalit ko.Bye,Iloveyou."Sabi ko sa kaibigan bago umalis.Wala narin naman akong klase kaya napaaga ang alis ko sa school.

"Tallie!",May sumigaw sa akin."Baket?",

"Hindi mo naman sinabi kayo na pala ni Jaxon!Omg!",Napatingin ako.Si Rye pala ang tumawag sa akin.Agad namilog ang mata ko at agad na umiling sa sinabi niya.

"What hindi kayo?Eh ano yun?",Ani nya at tumingin sa harapan ko.Naaninag ko ang isang ford ranger sa tapat ng dorm.Nanliit ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.Naka aviators at may hawak hawak na mamahaling bulaklak.It's the freaking Jaxon!Ramdam ko ang malalagkit nitong titig.


Agaw atensyon ito kaya naman marami ang pinagkaguluhan at nagsigawan sa ginawa niya.

"Oh my god!Sya yung anak ng senador diba?",

"Oo ang pogii!"

"Jaxooonn my love!",Nakita ko si Rye na sumigaw rin.Umirap ako habang papalapit kay Jaxon.

"Goodluck bestie!Baka bestie koyan!",Sigaw sakin ni Rye sabay tulak.Dahan dahan akong naglakad papunta kay Jaxon.Napangiwi ako.

"What the fuck is this?",Mariin kong sabi nang makalapit sakanya.Tinanggal nya ang kaniyang aviators na suot.

"Why?Don't you like it?",He said at hinaplos ang bewang ko.Tumindig ang balahibo ko.

"Stop it!Alam mo namang nasa harap tayo ng media,Ayokong maeskandalo!",Mahina kong sigaw.Bumaling muli ako sa mga nakapaligid sa amin.Puro sigawan at picture ang ginagawa nila.

Bumuntong hininga si Jaxon."Fine,baby."Ani nya at pinagbuksan ako ng pinto.Lalo pang humirit ang mga tao sa ginawa nya.

Pumasok sya sa loob ng sasakyan at marahas na pinatong ang flower bouquet sa legs ko.Tama nga ang hinala ko,mahal ang pagkakabili nya sa bulaklak na iyon.Nakasimangot syang nag drive.Bawat oras ay bumubuntong hininga sya.Napadaing na ako ng mapansin iyon.

"Problema mo?",Tanong ko nang nasa daan ang tingin.

"Nothing."Madiin nyang sabi ngunit hindi ko iyon pinansin.Niyugyog ko ang balikat nya."Ano nga kasi??",Tanong ko habang hinahampas sya sa braso.

"I said nothing!",Napatalon ako sa sigaw niya.Kinuha ko ang kamay ko at yumuko.Tss bakit ba sya nagagalit?Hindi ko naman sya inaano.Hindi ko rin naman sya tinatanggihan.Problema nito?

His Wildful DesireWhere stories live. Discover now