Chapter 21

1K 28 4
                                    

Chapter 21

Kinabukasan ay hinatid ako ni Jaxon sa studio para sa photoshoot.Hindi pala siya lasing kagabi at naglasing lasingan lang para maalagaan.Hays kulang talaga sa pansin ang isang yon.

"Hi!I'm Nadya!",Bati sa akin ng mukhang hollywood model sa sobrang ganda.Ngumiti ako.

"Tallie."wika ko.Hinila niya ako loob at tumambad sa akin ang isang malaking camera na nakatapat sa isang modelo.Napanganga ako.So this is what model feels.

"Halika mag pa make up na tayo."Aniya at pareho kaming umupo sa tapat ng salamin.

"Wow,Tallie batikan na make up artist yan ah?",Dagdag nito ng mapansin si Mia na hinire ni Jaxon bilang make up artist ko.Yes,nag usap na kami  tungkol doon at sabi niya'y siya na ang bahala sumuporta sa mga pangangailangan ko.

"Ah oo,hinire siya ni Jaxon para sakin",

Nanlaki pareho ang mga mata niya."What?Jaxon?You mean Villafuerte?",Malakas nitong sabi.Nagsilingunan ang mga kasama namin dito.Hayop gumawa pa siya ng eksena.

"Ano yun Tallie?Jaxon Villafuerte ba kamo?",Tanong ni Alzea yung manager ng studio.Napabuntong hininga ako.

"Oo bakit?Kilala mo?",

"Anong bakit?Aba syempre!Sinong hindi makakakilala sakanya e sa lakas ng sex appeal at kagwapuhan non imposible!",Hiyaw niya at humalakhak.Tumawa rin sina Muse sa tabi ko.

"Eh parang gustong gusto mo siya e,Sayo nalang kaya?",Irap ko.

"Nako,Tallie kung pwede lang baka inangkain kona siya!",Humalakhak si Meghan.Lalo akong sumimangot.

"Ito naman hindi mabiro e diba doon ka raw natuloy sa condo niya?Ano kamusta?",Intriga sa akin ni Alzea.Sa yabang ni Jaxon ay paniguradong pati ang pagtira ko sakaniya ay pinagkalat na niya.Hindi narin ako magtataka kung baka ipagyabang niya rin ang ginagawa namin gabi gabi.

"Hays,andami niyong tanong tama na nga-",

"Oo tama na, saka bakit nyo ba iniintriga ang hindi naman pasok sa standard ni Jaxon?",Singit ng isang matangkad at mistisang babae.Napalunok kaming lahat.

"Hoy ikaw nga Slae tumigil ka dyan,inggit kana naman eh!Tara Tallie!",Higit sa akin ni Nadya at umupo muli para magpa make up.

Masyadong masungit ang babaeng iyon.Saka kung makapag salita akala mo ang laki laki ng atraso ko sakaniya tss.

"Kainis."Rinig kong singhal ni Nadya.

"Sino ba yun?Bakit ang sama ng tabas ng dila niya sakin",Tanong ko.Hindi naman pwedeng unang kita niya palang sakin mainit na agad ang dugo niya.

"Heisley Sarreal.You know Safira?Jaxon's ex?",

Tumango ako.

"Ayun,magkapatid sila.Parehong bitter sa buhay."Dagdag niya.What?Magkapatid sila?Kaya naman pala parehong mayabang at masama ang ugali tss.

"Don't mind her,Just enjoy the shoot.Okay?",Ngumiti ako sa sinabi niya.Nagpatuloy si Mia sa pag mamake up sa akin.Nang natapos ay pinasuot niya ako ng mahaba ag fitted red gown.Inistraight niya rin ang mahaba kong buhok.

"Oh my god Tallie,You look stunning!",Sigaw ni Nadya.Nakasuot siya ng blue dress ngunit sa legs lamang iyon hapit.Hindi ko mapagkakailang napaka ganda at sexy niyang tignan.Nakaka inggit.

"Ikaw rin lalo."Pareho kaming tumawa.

"Okay,Ladies we will start.Come here Slae!",Ani ng photographer at binuksan ang nagdadamihang ilaw na nakatapat sa puting background.Dahan dahang lumapit si Slae doon.I saw her with a couture dress dinagdagan pa ng makamandag niyang make up kaya lalo siyang nag mukhang maganda.

His Wildful DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon