28

5 0 0
                                    

"Bwisit na babae 'yon!" Reklamo muli ni Haile habang pinupunasan ng tissue ang mantsa. "Sino ba siya sa akala?!- pero ang pogi nga naman nung boyfriend niya ah... sino nga ulit 'yon?"

"Xavion." I answered with a small voice.

"Chinese ba 'yon?! Pero whatever!" Pinagtitinginan pa kami ng mga pumapasok din na mga babae sa C.R. Si Sai naman ay nilalagyan ng pulbo ang mantsa sa palda ni Haile.

"Huy! Grabe naan yung babaeng 'yon ano!" Hinampas ako ng isang babae rin na pumasok sa CR ng kaniyang panyo. "Hindi ba siya nanunuod ng vlog ni Sai? Napanuod kita ro'n! Girlfriend ka ng kuya ni Sai 'di ba?"

Nanigas ako. Halos lahat ng tao nanunuod ng vlog ni Sai, napanuod din kaya ni Xav 'yon?

"I don't think napapanuod niya ako." Awkward na tugon ni Sai.

"Oh my god! Sai!" Biglaang nagkagulo ang banyo, hindi ata nila nakita si Sai kanina at nalaman na nandoon pala siya dahil biglang nagsalita.

Pumasok na kami sa susunod naming mga subject. 

"Descey!" Tawag ni Olivia. May bakanteng upuan sa kaniyang tabi, inilaan niya siguro iyon para sa akin.

Lumapit ako roon at ibinaba ang ang bag tsaka inayos ang mga gamit.

"Girl! Kalat na agad 'yong ginawa niyo kay Kheana!" Pabulong niyang sigaw. "Kawawa naman siya, alam mong ang liit-liit niyon pinatulan mo pa!"

Kumunot ang aking nuo.

"Teka lang. Kung tutuosin dapat lang na mangyari sa kaniya 'yon. Alam niya sa sarili niya na maliit siya at wala siyang panama sa amin pero ano? Umatake parin siya. "I rolled my eyes. Hindi ako santo para palampasin 'yon. Hindi ko na siya nilabanan noong High School kami hindi ko na papalampasin 'to! 

She smiled awkwardly. "O-oo." Tsaka pilit na tumawa.

Right! She's Kheana's friend! Bakit niya ba ako kinakaibigan kung gano'n?!

"Tsaka may boyfriend ka ba talaga?" Tanong niya ng napipilitan. Inutusan ata siya.

"Sa'n mo naman nakuha 'yan?" I fired back.

"S-sa vlog ni Desiree." I freezed.

"Napanuod mo?" 

"Namin ni Kheana actually, kaya hindi ko alam kung bakit galit pa siya eh pareho naman naming napanuod 'yon."

I sighed. 

Nakaabot 'yon kay Xav! Spencer is definetly not my boyfriend! Ano nalang ang iisipin ni Xav!? Bwisit!

I stretched my arm then put it behind my back then rested myself.

I suddenly wanted to call Desiree and tell her to tell her fans that me and Spence are not dating.

"So--" Magtatanong pa sana si Olivia ng biglang tumunog ang aking phone at pangalan ni Spencer ang nasa caller's ID.

Great! What a good timing!

I the pick it up and answered. "What?"

"Tapos na akong kumain."

Really? He really just called to tell me that?

"E'di good." Sagot ko.

"Ikaw rin?" Punyemas, kahit tawag lang 'to ramdam kong nakangisi ang kupal na 'yon,

"Oo ako rin." 

"Ano ulam mo?" Spencer is literally two years older than me but still acts like a kid!

"Anak ba kita?" I rolled my eyes.

"Opo, baby mo ko." Biglang nanlaki ang mga mata ko. The Au

dacity!

First Love, Last [Slow Update]Where stories live. Discover now