16

3 1 0
                                    

The days went on a flash. Hindi na ulit kami nagkita ni Spence, sila nalang nina ate ang nagkikita-kita. I'm busy with school so ate told me that she can handle it now. Kaya hindi na muna ako tumulong.

Ganoon rin si Xavion hindi na nagparamdam. Matapos naming magkita sa simbahan ay hindi ko na ulit siya naramdaman.

I peeked at my phone for his reply. I flooded him yet he never saw any of it. 

Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng aking thesis. Bukas na ang kasal nina ate kaya tatapusin ko na ito ngayon. I'm just polishing it.

After the wedding I'll ask where he is. Not now... 

"Descey?" Ate peeked from my door. "Tapos ka na ba? Aalis na tayo maya-maya."

"Patapos na 'to ate." Nagmadali ako sa pagbabasa at minsan ay kino-korek ang mga mali, spelling or grammar.

Napalingon ako kay ate na ngayon ay umupo na sa aking tabi... ni hindi ko napansin na pumasok pala siya. 

"Alam mo noong dumating ka sobra'ng saya ko nun halos ayaw kitang bitawan." She muttered with teary eyes. "I'm guessing you already knew."

I smiled then nodded. She massaged my head before her tears fell.

"I couldn't ask for more... having you was the best blessing." I chuckled. 

"Was?" Tumango siya. Inabot niya ang aking kamay at ipinatong sa kaniya'ng tiyan.

"May nakakuha na ng title mo." I laughed. Niyakap niya ako at umiyak siya. "Sana hindi magbago ang tingin mo sa'min, we're family right?"

"Oo naman..." 




"Arat!!" Sigawan ng mga pinsan ko. Driver namin ngayon si kuya Vaughn. Hindi sinunod ng dalawa ang pamahiin. 

LW hotels dapat ang hotel na tutuloyan namin ngunit, fully booked ito ngayon kaya sa Sydney ang end game namin. Malapit lang rin naman ang hotel na iyon sa OLPGV.

Dumating na rin ang wedding gown ni ate pati ang gown ng mga bride's maid at gown ko. Panay naman ang paalala sa'kin ng mga organizers at stylist kung ano ang dapat ko'ng gawin.

Isa'ng suite lang ang ni-book nina ate para sa amin, isa naman para sa mga groom's men. Magkakatabi lang kami sa pagtulog. 

"Descey pakibukas!" Utos ni ate na ngayon ay kulay abo ang mukha dahil sa skin care umano ng mga kaibigan niya. Tumayo ako at pumunta palapit sa pinto, may kumakatok kasi rito.

"Hi!" Bati ni Mantha. Isa rin siya sa mga bride's maid, naging malapit rin kasi siya kina ate.

"Pasok!" I said while signalling her to come in. Sa likod niya naman ay ang kaniya'ng kuya na nakaboard shorts at pink na v-neck. 

Nang pumasok si Mantha ay hinarap ko si Spence. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko. His head tilted, tsaka itinuro si Mantha.

"Hinatid ko kapatid ko?" He said confused. Right!

"Alis na!" Mataray ko'ng sabi. "Shoo!"

"Ba't mo ko pinapaalis?" Kumunot ang kaniya'ng nuo, para ba'ng problemado. "May pupuntahan ka?"

Umirap lang ako at tiningnan ng malagkit ang pink niya na t-shirt. "Bakla..." I murmured. "Ba't 'di ka pa umaalis?!"

"Isara mo 'yong pinto." Umirap muli ako. Nilingon ko ang elevator na bumukas, lumabas ang mga nag-check in rin dito. Narinig ko ang pagbunto'ng hininga niya.

First Love, Last [Slow Update]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora