iv.

70 7 25
                                    

"Hey, Erin! Here!" Tawag sa akin nila Queenie. Nasa isang table sila na malapit sa stage. Ngumiti ako at kaagad ko silang pinuntahan.

"Hi! Kamusta?" Bati ko sa kanila bago tinanong kung anong mga orders nila. Nagkwentuhan pa kami sandali bago nila binigay ang orders nila na kaagad ko rin namang nai-serve.

Medyo mas marami sila ngayon. Nadagdagan ng tatlong babae at dalawang lalaki na nakilala kong sina Tiffanie, Hailey, Sab, Axl at Mav.

Marami ring tao ngayon. Mas marami kumpara noong nakaraan.

Napansin ko rin ang bagong dating na mga lalaking dumiretso sa pwesto nila Beau na nasa VIP table. Kita kong lumilingon-lingon si Beau na parang bang naghahanap ng waitress. Lumingon rin ako sa mga kasamahan ko at nakita kong busy sila kaya naman nagpaalam muna ako kina Ryza at mabilis kong nilapitan ang table nila Beau.

Nagkukwentuhan sila at bahagyang nagtatawanan nang dumating ako sa table nila kaya tumikhim ako bago ko sila binati, "Good evening, gentlemen! May I get your orders?" Magalang kong utas.

Kaagad naman akong napansin ni Beau. Lumiwanag ang mukha niya nang nakita ako, "Chaerin! Been a while. Mga two hours." Aniya bago humagalpak sa sarili niyang joke.

Nginitian ko lang siya, "Oo nga eh." Ani ko bago ulit nagtanong, "May I get your orders?"

"Yeah, just give us a whole bottle of tequila and whiskey, seven shot glasses and some lime and salt, miss." Magalang na utas nong lalaking kulay neon pink ang buhok. Side cut ang style ng buhok niya at bumagay naman sa pagka-mestizo niya ang kulay ng buhok niya. This man has piercing blue eyes. Kapansin-pansin rin ang itim na hikaw niya sa left eyebrow at gilid ng kanyang right lower lip.

Muntik pa akong matulala pero nakabawi rin naman ako. Tumango ako, "Okay. Anything else?" Tanong ko habang nagsusulat.

"I'm hungry, so I'll have a club sandwich, please." Anang lalaki na puti ang buhok na katabi noong lalaking may pink na buhok.

Are they brothers? Magkamukha ang dalawa eh, pero, mas maamo ang mukha nitong si Whitey. Mas mukhang mabait kumpara kay Pinky. They almost have the same facial features, mas light lang ang pagkaka-asul ng mata ni Whitey. Wala rin siyang piercing sa mukha. Sa tenga lang. Isang makinang na diamond earring.

Tumango ako at nagsulat.

"Onion rings and fries would be nice, too!" Ani Beau kaya isinulat ko na rin, "And by the way, Chaerin! I'd like you to meet my friends!"

Sa sinabi niyang 'yon ay natigilan at napalingon ako sa kanya. Meet his friends? For what?

Lumapit siya sa akin at kaagad akong inakbayan, "So, Chaerin, this is Lars," aniya sabay turo don sa lalaking pink ang buhok.

"Hey." Aniya sabay ngiti kaya nginitian ko rin siya.

"Beside him is his not so little brother, Tobi," si Whitey na may palakaibigang ngiti. Sabi ko na nga ba't magkapatid sila eh. Hehehe.

"Hi! Nice to meet you." Masayang utas ni Whitey at kumaway pa sa akin kaya kinawayan ko rin. Ang hyper naman nito.

"Beside him are Nixon and Nixen, they're twins if it isn't obvious," pakilala niya sa dalawang lalaking mukhang isnabero, ngumiti naman 'yong lalaki nakapula, pero, 'yong lalaking naka-itim ay ni hindi man lang tumingin. Kinailangan pa siyang sikuhin para lang lingunin kami, pero, tumango lang naman ang huli at nagiwas ulit ng tingin. Ngumuso ako. Suplado. Huhu.

"And that one over there is--"

"Koizumi Yoshikazu at your service, madame." Anang lalaki at siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya kaya napalingon ako sa kanya, "But, you can call me Yoshi, Yosh or Yosh-Yosh. Twenty three years old. August 8. Leo. Rawr. Six ft. One. Half-Japanese, half-Filipino. Smart, witty and handsome." Aniya sabay kindat at ngiti kaya kitang kita ko ang makintab ay kumpleto niyang ngipin. Labas ba ng maliliit niyang biloy sa magkabilang pisngi.

DIEZ VALERO BROTHERS SERIES I: BariWhere stories live. Discover now