iii.

80 8 30
                                    

Pagkatapos kong bilangin ang pera ko ay nagdesisyon na akong matulog. Namamahay ako kaya hirap akong matulog, pero pinilit ko pa rin dahil kailangan. Siguro'y alas sais na ako nakatulog at nang magmulat ako ng mata'y mataas na ang sikat ng haring araw.

Alas-dose na kaya kaagad na akong tumayo. Naghilamos ako at nag-toothbrush bago bumaba.

Tahimik ang buong bahay kagaya kaninang madaling araw. Sobrang laki ng bahay at aalog-alog kaming dalawa dito ni sir Bari.

Halos mabingi ako sa katahimikan habang pababa ng hagdan at habang pababa ako'y itinali ko na ang mahaba kong buhok. Nag-pusod ako at nag-inat ng kaunti bago tumuloy sa pagbaba.

Madilim ang bahay dahil sarado ang mga blinds kaya naman nagdesisyon akong buksan muna 'yon.

Nilibot ko ang paningin ko sa bintana para mahanap kung paano ito bubuksan, "So... paano 'to?" Takhang tanong ko sa sarili ko.

Hindi ito ordinary blinds kaya naghanap kaagad ako ng switch para doon. Nakita ko naman kaagad 'yon sa tabi ng switch ng mga ilaw. Unti-unting bumukas ang blinds at unti-unti ring lumaki ang ngiti ko, "Ayan! Ang liwanag na! Magandang araw!" Masiglang bati ko kahit pa nga wala naman akong kasama. Ni hindi ko nga alam kung nasaan 'yung demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto kong boss eh. Pero, hayaan na, matanda na 'yon! Kaya niya na sarili niya.

Dumiretso na ako sa kusina nang mabuksan ko lahat ng blinds sa sala, pero, natigilan ako nang nasa hamba na ang ng kusina.

"Damn..." utas ko nang makita kung gaano kalaki ang kusina niya. Parang commercial kitchen kasi 'to! Malinis at halos kuminang ang sahig ng kusina. Halatang mamahalin rin ang mga gamit. Ginaganahan tuloy akong magluto!

Kita rin mula sa kitchen ang backyard. Bukas ang blinds kita ko ang malaking pool, iilang sun loungers at dalawang grill.

Napahinga ako ng malalim, "Tsk. Iba talaga pag mayaman. May pa-grill-grill pa, samantalang kami sa uling at kahoy lang. Pahirapan pang magpa-baga." Ani ko bago napa-iling na lang at dumiretso na lang papasok ng kusina.

Nilagay ko ang daliri ko sa chin ko at ngumuso ako, "Ano kayang lulutuin ko?" Tanong ko sa sarili ko, "Ano kayang gustong pagkain nung boss kong demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto?" At napanguso na lang sa huli.

Napakamot na lang ako sa ulo bago dumiretso sa double doors niyang ref. Double doors na nga, may freezer pa sa baba! Tapos may screen pa sa right door at ice dispenser sa left door! Huwaw! Edi siya na mayaman, ako na ang dukha. Huhu.

Bago pa ako makalapit ng tuluyan sa ref ay may nakita akong maliit na kulay dilaw na papel na nakadikit doon. Kumunot ang noo ko bago iyon kinuha at binasa.

Napataas ako ng kilay. Gwapo ng sulat, ah. Bagay sa itsura. Hehehe.

'Feel at home. Don't be shy to move around. I'll be in the office on the third floor for the whole day. You can call me if you need anything. Here's my number. 09xxxxxxxxx. Also, cook our dinner.

- Your Boss.'

Umirap ako nang mabasa ko 'yon, "Boss." I scoffed, "Utot mo blue. Boss demonyo-siraulo-tarantado-minu-minuto kamo! Sana man lang sinabi mo kung anong pagkain ang gusto mo, diba? Ano? Manghuhula ako? Tss. Bahala ka dyan. Filipino foods lang ang alam kong lutuin. Mostly, isda!" Ani ko bago nilukot ang papel at tinapon 'yon sa basurahan.

I smirked to myself before opening the fridge, "Lutuan ko kaya ng tuyo 'yong Barivendus na 'yon?" Mala-demonyong plano ko. Pero, umiling at tumawa lang ako bandang huli, "Boss daw? HMP! Bossabos!"

Natawa ako sa huli kong sinabi. Atichoda ka ghorL!?

May nakita akong manok sa fridge kaya napag-desisyunan kong mag prito na lang ng manok since mag-isa lang naman ako.

DIEZ VALERO BROTHERS SERIES I: BariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon