Simula

212 13 46
                                    

BARI.

"Manong, para po!" Sigaw ko nang makitang malapit na ako sa kanto namin. Kaagad namang huminto 'yon at kaagad rin akong bumaba.

Kagagaling ko lang sa school para sa pirmahan ng clearance. Tapos naman na ako at makakapag-pahinga na sana, kaso, naalala ko sina mama. Siguradong nasa palengke pa 'yun! Dapat pala ay doon ako bumaba! Tsk!

Ibababa ko muna 'tong mga gamit ko bago pumunta sa palengke. Magpapalit na rin ng damit dahil napawisan rin ako kanina dahil sa sobrang init.

Dumiretso na ako ng lakad patungo sa lugar namin. Malapit lang naman ang bahay namin sa sakayan kaya hindi naman masyadong hassle. Binati ako ng iilang kapitbahay at kaibigan, binati ko rin sila at nakipagusap saglit bago tuluyang dumiretso sa bahay.

Maliit lang ang gate namin kaya kitang-kita ko kung sino 'yong nasa loob ng bahay at bakuran namin. Naabutan ko ang dalawang kapatid ko sa may balkonahe. Naggigitara si Ryu, ang pangatlo kong kapatid at pikit-matang mahinang kumakanta. Naglalaro naman ng buhangin ang bunso naming kapatid na si Cia sa labas ng bahay.

Nang binuksan ko na ang gate ay mabilis na lumingon si Cia sa akin at masayang ngumiti, "Unnie!" Sigaw niya nang makita ako at kaagad na tumakbo palapit sa akin. Ngumiti ako at bahagyang lumuhod para magpantay kami.

Niyakap niya ako ng mahigpit bago humiwalay at ngumiti ng matamis, "Unnie! Namiss ko po ikaw! Hihi!" Aniya.

Ngumiti rin ako at hinaplos ang madungis at matabang pisngi ng kapatid ko at inayos ang magulo niyang buhok, "May pasalubong ako sayo!" Maligaya kong utas.

Kitang-kita ko ang pag-ningning ng asul niyang mga mata niya at paglaki lalo ng ngiti niya, "Talaga po, unnie!?" Tuwang-tuwa niyang tanong. Nakangiti akong tumango bago ko kinuha ang bag ko at kinalkal para sa pasalubong ko sa kanya.

Anim kaming magkakapatid and if it isn't obvious, iba-iba ang mga tatay namin. Trip yata ng nanay naming maka-tikim ng iba't ibang lahi eh. Kaya ayon!

Waitress noon si mama sa isang KTV bar. Pero, dahil maganda si mama, naging singer/entertainer rin siya kalaunan. Doon niya nakilala ang tatay kong Koreano. Eighteen years old siya noon. First boyfriend at first time niya. Kaso, iniwan daw siya dahil ayaw daw ng parents sa kanya. Di niya daw alam na buntis siya non, napansin niya na lang daw nung kain daw siya ng kain ng kanin na may gatas at asukal na hindi naman daw niya kinakain noon. And viola! Nine months after, Chaerin Margarette Min was born.

Isinunod ni mama ang apelyido ko sa tatay ko, 'coz why not daw? Ang cute, diba? Note the sarcasm, please.

Si Meilin, na kasama ni mama sa karinderya ngayon, Chinese naman ang tatay niya. Nakilala rin ni mama sa bar. One year old ako nang pumunta kami sa Beijing, China. Dalawang taon rin kami doon bago kami biglaang umuwi rito sa Pilipinas. Binubugbog kasi nung tatay ni Mei si mama eh. Di na nakayanan ni mama kaya iniwan na niya. Binabalikan siya, nangangakong magbabago, pero, ayaw niya na.

Hanggang sa nakilala naman ni mama ang Hapon na tatay ni Ryuichi, 'yong naggigitara sa balkonahe. Tatlong taon ako noon at two years old naman si Mei nang mabuntis si mama kay Ryu. Dinala rin kami ni papa Ryuga sa Japan. Tinanggap niya kaming dalawa ni Mei bilang anak niya. Dalawang taon rin kami roon. Maganda roon, pero, iba pa rin talaga ang sariling atin. Pati, naghiwalay rin sila mama at papa Ryuga kalaunan dahil nambabae si papa Ryuga.

Si Samorn, 'yong pang-apat sa amin. Thai ang tatay niya, nakilala ni mama sa barko nong sumakay siya. Mabait naman sa amin si Daddy Chakrii. Palagi kaming may pasalubong at tanggap niya rin na may tatlo nang anak si mama. At ayun nga, nabuntis si mama kay Sam. I was 4, Mei was 3 and Ryu was turning 2. Sasama na sana kami sa daddy ni Samorn sa Thailand, kaso biglang ayaw na ni mama. Hindi sinabi ni mama kung bakit kaya hindi ko na lang rin tinanong. Biglaan rin kaming lumipat ng bahay at simula noon ay dito na kami sa probinsya nanirahan.

DIEZ VALERO BROTHERS SERIES I: BariWhere stories live. Discover now