CHAPTER I

1 0 0
                                    

Hindi malaman ni Daine ang mararamdaman sa balitang natanggap . Dapat ba ay matuwa syang dahil sa wakas ay makakalaya na sya sa tahanang tinuring nyang parang kulungan gayong iniisip nya pa lamang ang salitang kasal ay kinikilabutan na sya.

Itinakda na kasi ang kasal nila sa susunod na buwan ngunit ni anino ng kaniyang mapapangasawa ay hindi niya pa naaaninag ni minsan .

Padabog na tumayo si Daine mula sa pagkakaupo sa harap ng kanilang hapag kainan at masama ang loob na hinarap ang ama .

"Ito ba talaga ang gusto nyo? Ha papa? Buong buhay ko halos kayo na po ang nagpatakbo! Buong buhay ko puro na lamang ako sunud sunuran sa gusto nyo . Tapos heto, kakatapos ko pa lang ng college , ni hindi ko pa man nararanasang mamuhay ng normal.. g-gusto nyo na akong ipakasal."-pigil ang luhang sumbat ni Daine sa ama matapos nitong sabihin ang kasal na mangyayari isang buwan mula sa araw na iyon.

"Sit down Daine . Don't raise your voice!"-suway naman ng ama nito pero hindi nagpatinag ang dalaga .

"Papa naman! Kahit ngayon, kahit ngayon lang pakinggan nyo naman ang gusto ko . Gusto nyo magtransfer ako ng eskwelahan ko ng highschool , sinunod ko! Gusto nyong lumayo ako sa mga friends ko, sinunod ko! Gusto niyong magaral ako sa America , sinunod ko . Gusto nyong Business management ang course na kunin ko , sinunod ko . G-gusto nyo 24/7 may bantay ako , hinayaan ko kayo . Gusto nyo , puro nalang gusto nyo ang nasunod . P-paano naman ang gusto ko?"-patuloy na sumbat ni Daine na noo'y hindi na napigilan pa ang maluha .

"Cut the drama Daine . What I've done is always for your own sake . I want you to study in those school because it's good for your credentials and image . Your my daughter , you have to protect your image. And I ordered you to stay away with your so called friends because their not good for you . They just being a bad influence for you . I was always do what's good for you ."

"And I'm not happy with it! And I will never be!"

"Daine!"-tawag ng ina ni Daine na kanina pa nakikinig sa kaniyang mag ama. "Daine ano ba."-patuloy nitong habol sa anak na noon ay nagtatakbo na paakyat sa kwarto nito . Akmang tatayo ito para sundan ang anak ng pigilan sya ng asawa.

"Let her think , nabigla lang siguro sya ."

"Bakit naman kasi pabigla bigla ka ng desisyon David . Ni hindi mo man lang nga sinabi sa akin ang plano mong yan . "

"Hindi ko gustong biglain ka, Hon. Pero kasi bigla nalang ding nag-alok ng agreement ang mga Hansberg . Isa pa, malaking opportunity ito para sa negosyo natin . Ang partnership na ito ang magpapalawak lalo ng kuneksiyon natin."

"Sana din ay hindi ang partnership na yan ang sisira sa kuneksyon natin sa sarili nating anak."-huling salitang binitawan ni Mrs.Quenery bago nito sinundan ang anak sa kwarto nito .

Samantalang patuloy naman sa pagiyak sa isang sulok si Daine at inaalala ang isang araw na sa buhay nya na naramdaman nyang naging malaya sya . Yun ay yung isang maghapong kasama nya ang mga kaibigang pinilit ng ama niyang layuan niya kung hindi ay pababagsakin isa isa ang mga kumpanya .

Sa una ay hindi siya naniwala ngunit ng minsang madinig nyang isa isang nagpu pull out ng stocks ang mga shareholders sa kumpanya ng mga ito ay doon nya naisipang kumprontahin ang kanyang ama at sa mismong bibig nito nanggaling na sya ang nasa likod ng mga pangyayaring iyon kaya kahit masakit at mahirap sakaniya ay lumipat sya ng school at pinutol ng tuluyang ang kuneksyon sa dalawang taong tanging naging kaibigan nya .

Bata pa lamang kasi sya ay bantay sarado na sya sa mga body guards na hinired ng Papa nya . Kahit saan sya magpunta ay may bantay sya at kapag may lumalapit sa kaniya ay tinataboy ng mga bantay nya kaya lumaki syang hindi pala kaibigan kaya ng minsang makasama nya sina Jacky at Rona sa isang group activity ay naging kasundo nya ang mga ito . Ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang ama ay muli nanaman syang naging magisa kaya magmula noon ay hindi na sya nakipag kaibigan kahit kanino kaya bukod sa dalawang kaibigang nawala sakaniya ay ang pinsan nya lang na si Rexander ang nakakasama at napagsasabihan nya ng mga hinanaing , problema at kasiyahan ng mga araw na dumadaan sa buhay nya . Ngunit ng magpasya itong manatili Abroad ay muli nanaman nyang naramdamang magisa .

Mandated Marriage With The CEOWhere stories live. Discover now