CHAPTER V

0 0 0
                                    

        NANG makarating sina Zion at Daine sa bahay na pagaari mismo ni Zion ay dumiretso na agad ito sa kwarto habang ang babae ay naiwan sa sala at hindi alam kung saan dapat dumiretso .

   Marahas itong naupo sa sofa at tinaggal ang suot na veil sa ulo at inis na tinanggal ang sandals na dahilan ng pananakit ng sulok ng mga daliri niya . Masyado kasi iyong tulis at huli na para papalitan pa nya . Damang dama din nya ang hapdi na nagmumula sa sugat nya sa tuhod. Hindi pa nya iyon malinisan dahil hindi nito alam kung saan kukuha ng ipanlilinis doon.

  

   Gustung gusto na din niya hubarin ang suot na gown pero naalala nyang bukas pa dadalhin ang mga gamit nya kaya naisip nyang matulog nalang sa sofa ng ganoon ang suot .

  Akmang mahihiga na sya ng madinig nya ang footstep ni Zion na pababa ng hagdan kaya mabilis syang umayos ng upo .

"Why are you still here?"-walang emosyon na tanong nito .

"A-ah ano . S-sige na matulog kana d-dito nalang muna ko. H-hindi pa kasi nadadala yung gamit ko ."

"Tss , sumunod ka na nga ."-sabi lang nito at muli ng umakyat sa kwarto nito kaya pinulot nya ang veil at sandals nya tsaka sumunod sa asawa .

   Hirap na hirap pa ito sa pag akyat dahil masyadong mahaba ang gown nya at lalo lamang tumitindi ang hapdi sa tuhod nya.

    Bukas naman ang kwarto ng asawa nya kaya mabilis nya iyong nakita at doon na sya marahang pumasok . Laking gulat nya ng may iabot itong damit .

   "I don't have any undergarments for you."-sabi lang nito at tinalikuran na sya .

"S-salamat."

   Dali dali na syang pumasok sa bathroom sa loob ng kwartong iyon upang maligo , malinisan ang sugat at makapag bihis .

   Ng makalabas sya sa banyo ay naabutan nyang abala pa ang asawa niya sa pag pindot sa laptop nito .

"A-ah Zion, p-pwede ba kitang makausap?"-naiilang na sabi ni Daine kaya saglit na sumulyap sa kaniya si Zion at muli ding tumutok sa ginagawa .

"Just talk."-tanging sabi lang ni Zion kaya saglit na nagipon si Daine ng lakas ng loob bago nagsalita.

"P-pasensya kana talaga at nandito ka ngayon sa piling ko sa halip na si Elise ang kasama mo . M-maging maayos lang ang kumpanya ni papa kakausapin ko na syang ipa walang bisa na ang kasal natin para naman maging maayos na kayo ni Elise."

 

   Nakita ni Daine ang pagkunut ng noo ng asawa kaya nakaramdam nanaman sya ng kaba .

"Promise makabawi lang ang kumpanya namin ako mismo ang gagawa ng paraan--"

"What are you talking about?"-seryosong tanong ni Zion kay Daine ."makabawi from what?"-dugtong pa nito.

"S-sa pagkalugi."

"Pagkalugi? Really? Ang lakas lakas ng company nyo. Because if theres a new product, mas tumaas ang credibility ng company nyo para makipag compete sa mas malalaking kumpanya . Kaya nga gusto ni Daddy na makasal tayo dahil magandang partnership ang mangyayari . Anong sinasabi mong nalulugi ang company nyo."-naiiling na sabi ni Zion habang ang paningin ay sa laptop nito nakatutok .

   Pakiramdam naman ni Daine ay binuhusan sya ng malamig na tubig dahil kung totoo nga ang sinasabi ng asawa ay niloko lamang sya ng kaniyang ama .

"S-sigurado ka bang h-hindi nalulugi ang company ni papa?"

"Try to check their sales . tss."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mandated Marriage With The CEOWhere stories live. Discover now