CHAPTER II

0 0 0
                                    

          Marahas na napabuntung hininga si Daine matapos matitigan ang itsura sa salamin . Nagsisimula syang magdalawang isip sa desisyong pinili , nagsimulang umurong ang tapang na buong araw nyang pinagipunan . Ngayon na kasi ang araw ng pagkikita nila ng lalaking nakatakdang mapapangasawa nya kasama na ang pamilya nito kaya naman ng sumapit ang alasingko ng hapon ay dumating na ang mga magaayos sakaniya.

Noong una nga ay nagtaka pa sya kung bakit masyadong naghahanda ang mga magulang nya pero ng sabihing ang pinaka mayaman sa buong asya at ang pinaka kilalang business man ang mapapangasawa nya ay nagtindigan ang mga balahibo nya . Papaanong hindi niya makikilala ang pinaka batang businessman na palaging ginagamit na example sa university na pinagaralan nya . Sa edad na 25 ay ito na ang nagpatakbo ng negosyo hanggang sa kasalukuyan .

"Handa ka na ba anak?"- tinig iyon ng ina ni Daine na nagmula sa likuran nito .

"O-opo mama ."

"Halika na , naghihintay na ang papa mo ."-yaya ni Mr.Quenery sa anak at iniabot ang kamay nito para alalayan sa pagtayo ang anak ."Magiging ayos din ang lahat anak . Narito lang ako sa tabi mo ."

"Mama naman, huwag kang ganyan . Baka masira ng luha ang ayos nating dalawa ."

"Ang ganda ganda mo anak , lalo na siguro kapag sinuot mo na ang damit pangkasal mo."

"Salamat ma. "

Magka hawak kamay silang lumabas ng silid at sinalubong ni Mr.Quenery .

"Handa kana anak?"

Tango lamang ang sinagot ng dalaga sa ama at nagpatianod na lamang ito sa mga magulang .

Ilang oras din ang binaybay nila bago narating ang mansyon ng mga Hansberg . Sa labas pa lang ay naghuhumiyaw na ang yaman ng mga Hansberg dahil hindi nya matukoy kung ilang beses ang laki nito sa bahay na tinitirhan nila . Mula sa gate ay malayo pa ang pinaka entrance mismo ng mansiyon.

Ng makapasok ang pamilya ni Daine ay hindi niya mapigilang ilingon ang mga mata sa kumikinang na mga chandelier at ang kumikinang sa kintab na hagdan na kakaiba ang disenyo . Ngunit natabunan ng kaba ang pagkamangha nya kaya mahigpit syang napakapit sa braso ng kaniyang ina .

"Kumpadre."-nadinig nila ang malalim na boses na nagmula sa gitna ng hagdan .

"Kumpadre."-masayang bati ni Mr.Quenery na ngayon ay masaya ng nakikipag batian kay Mr.Frederick Hansberg .

"This is my wife, Sweetie this is David . The owner of Q'Corp."

"It's my pleasure to meet you, David and.."-huminto ito saka tumitig sa ina ni Daine .

"This is Wendy, my wife."

"Oh my future balae. "-ani Mrs.Hansberg at agad na bumeso sa ina ni Daine na ilang namang ngumiti . "Is this your daughter?"-baling ng Ginang kay Daine na ngayon ay mas humigpit pa ang kapit sa ina .

'Itsura pa lang at pananalita ay mukhang mga matapobre na .'

Bulong ni Daine sa isipan .

"Yes, this is Daine Scarlet, our daughter."-ngiting pakilala ni Mrs.Quenery sa anak .

"Such a lovely lady ."-nakangiting papuri ni Mrs.Hansberg tsaka lumapit kay Daine at inabot ang kamay nito . "I'm Cecillia, but you can call me Mommy Ces para medyo bagets . I'm so glad that I finally meet my future daughter in law. God , I can wait to have my apo's with you and my baby."

"Sweetie, pagagalitan ka ni Zion kapag nadinig nya ang tawag mo sakaniya."- natatawang saway ni Mr.Hansberg sa asawa .

Unti unti ay nawala ang kabang nadarama ni Daine ng magsimulang magbiro ang magiging in laws nya . Sa isip isip ay mali sya sa unang naisip .

Mandated Marriage With The CEOWhere stories live. Discover now