Chapter 10.1

1.2K 31 11
                                    

A/n: This is dedicated to BaliwnaAuthor kasi nag post sya sa MB ko. Hope you like it :)

Chapter Ten - 1

*MADDY'S POV

Magpapasko na bukas kaya napag desiyonan ko na bumisita don sa mga bata sa bahay ampunan ngayong araw. Kasama ko sina mama at papa pati na din si Charles nangako kasi sya sa mga bata na sasama daw sya sa susunod na pupunta ako don. Maliban kay Charles kasama din ang parents niya sina tita Rose at tito Chan.

Inihanda na nila mama at papa yung mga dadalhin sa bahay ampunan, nag luto kasi sina mama at papa para makapag lunch kami don kasabay yung mga bata at yung mg madre, at sina Charles naman daw mamimigay ng aginaldo don sa mga bata. Excited na excited na ako, sigurado akong matutuwa ang mga bata nito.

Maya-maya pa ay dumating na si Charles at ang parents nya, pinapasok muna sila ni papa dito sa bahay at ako naman bumaba na ng hagdanan para bumati sa kanila.

"Hi po tita, tito. Advance Merry Christmas po sa inyo" sabi ko sa kanila sabay beso sa magkabilang pisngi.

"Advance Merry Christmas din sa iyo Maddy." sagot naman nila sa akin.

Tiningnan ko si Charles na naka upo sa sofa, wow as in ( ^W^) sitting like a boss huh. At dahil pasko ngayon syempre ang sarap mambwisit, sisirain ko ang maayos nyang upo don sa sofa.

"Charles, patulong naman. Tulongan mo akong buhatin yung mga librong e do-donate ko sa bahay ampunan" sabi ko kay Charles with matching pa cute effect, habang sya naman suot suot nya sa mukha nya ang what-the-fuck-look. :p

"Charles you help Maddy." utos ni tito Chan sa kanya. BWAHAHAHAHA xD Since wala syang magawa kaya tumayo nalang sya at sumunod sa akin sa kwarto ko.

"Ito ba kwarto mo?" tanong nya pagkapasok agad namin sa kwarto ko.

"Oo, bakit?" sagot ko habang kinukuha yung mga libro. Mga libro yun na nakulikta ko mula sa mga kaklasi ko, yung mga libro na hindi na nila nagagamit. Kasi kung sarili kong libro ang e do-donate ko walang matututunan ang mga bata puro kasi PHR yung mga binibili kong libro. ^__^V

"Halata naman talaga eh, sa kulay pa lang. Buti nalang yung kwarto mo lang ang kulay yellow dito sa bahay nyo kasi kung naging yellow din yung living room nyo sasakit na talaga mata ko." pagrereklamo nya, ano ba talaga problema nya sa favorite color ko ha? Leche naman oh, ang ganda kaya ng yellow.

Her Yellow Notebook (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang