Chapter 6.2

1.3K 36 23
                                    

CHAPTER SIX - 2

 

*MADDY'S POV

Ang aga kong nagising pagtingin ko sa alarm clock ko 4 a.m pa lang...

 Bumangon na ako at saka ko lang napansin na suot suot ko pa pala yung gown. Naalala ko tuloy yung mga nangyari kagabi, yung engage na ako kay Charles.

Biglang lumungkot yung pakiramdam ko, kaya pumasok nalang ako sa banyo at nagtampisaw sa bathtub. Ang lamig ng tubig hindi ako sanay maligo na malamig yung tubig. Pero pinabayaan ko lang ito, kasi natatakpan ng lamig ng tubig ang lungkot na nararamdaman ko.

Napa-isip ako kung ano ang susunod na mangyayari. Ayaw ko na ma disappoint sila mama at papa sa akin, pero pano ba yan? Pareho kami ni Charles na walang nararam-daman sa isa't-isa. 

 Aaminin ko gwapo si Charles, may katawan sympre hindi naman kasi sya manananggal, pero sa totoo lang yung abs nya maganda talaga. Mayaman sya, halatang matalino, mabait din dahil sinusunod nya talaga yung utos ng mga magulang nya, kahit na minsan pilyo at babaero.

 Pero kahit na ang daming magagandang katangian ni Charles hindi ko pa rin masasabi na gusto ko sya, na kaya ko syang mahalin. Kasi sa puntong ito wala akong nararamdaman para sa kanya.

Wala naman kasi sa itsura yung pagmamahal, hindi naman natin pinipili yung taong mamahalin natin, basta basta nalang natin itong mararamdaman, yun bang ngayun inis ka sa kanya pero bukas mararamdaman mo nalang na mahal mo na pala sya.

Sana mag magic si God yun bang ayaw namin pareho ni Charles sa isa't-isa ngayon pero bukas BOOM biglang mahal na namin ang isa't-isa, para naman hindi na complicated ang sitwasyong ito.

  

 Ang dami ko namang na iisip, engage pa lang naman kami ah, hindi pa kami kasal.. Marami pa ang mangyayari.Pwede pang magbago ang lahat.

 Hindi ko na pansin na isang oras din pala akong ganon sa loob ng banyo.

 "Maddy, baby girl.. gising ka na may pasok ka pa" kumatok si mama sa pintuan, pero hindi pa rin ako nakalabas ng banyo. Oo ang lakas ng pandinig ko, pake nyo.

Maya-maya din lumabas ako ng banyo at nakita ko si mama na naka-upo sa kama ko.

"Baby girl, masama pa rin ba ang loob mo?" tanong ni mama.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now