Chapter 20.1

934 28 14
                                    

A/N (ANNOYING NOTE): Konichiwa!! ^__^ This chapter is dedicated to Ann Jeanneth “AJ” Namoc. Offline reader sya at wala syang account dito sa wattpad, pero okay lang kasi nagagawa nya pa ring basahin ang story ko. This is for her kasi ang bait bait nya SOBRA! Sya ang dahilan kaya na addict ako sa ‘Vampire Diaries’, pareho kaming crush si Damon Salvatore at ang fictional character na si Christian Grey. Aj hope you like it. ^__^

ENJOY READING! :D

=========================

 

CHAPTER TWENTY – 1

*MADDY’S POV

Maaga akong nagising at nagtungo sa school, hindi ata ako nakatulog kagabi eh. Wala ako sa mood pumasok pero pinilit ko pa rin ang katawan ko na pumasok. Hello! ga-graduate na ako, baka kapag umabsent pa ako din a ako maka-graduate.

Matamlay akong naglalakad sa hallway ng makita ko si Megan na tumatakbo papalapit sa akin.

“Maddy~” tawag ni Megan sa akin.

 

“Maddy, pwede kang kausapin? Saglit lang naman eh.” Sabi ni Megan, nag nod lang ako. Wala akong gana na makipag-usap sa kanya.

Nagpunta kami don sa malaking kahoy kun saan ako palaging naka standby kapag vacant ko.

 

“Maddy, kahapon nga pala…” panimula ni Megan. “Maddy, huwag ka sanang mag-isip ng masama ha.” Pagpapatuloy nya, pero binibitin naman nya.. tsk.. “Niyaya kasi ako kahapon ni Charles ng dinner.  Nag dinner kami sa Jollibee.” sa sinabi nya ay agad akong napatingin sa kanya. “Pero wag na wag mong mamasamain yun ha. Ang sabi kasi ni Charles gusto lang daw nyang mag sorry dahil naging masungit sya sa akin nuong una. Kaya nya ako niyayang mag dinner”

Nasagot na din ang tanong ko. Kaya pala nagpunta si Charles sa school ay dahil si Megan talaga ang pakay niya at hindi ako. Pero bakit nya ito binuhat?

“Teka, bakit ka may sugat?” napansin ko kasi na may sugat itong si Megan sa may paa. Halata kasi ito kasi naka mini-dress lang sya.

“Nadapa kasi ako kahapon habang naglalakad. Buti nalang binuhat ako ni Charles at dinala sa hospital, sya pa nga ang nagbayad ng hospital bills” pagpapaliwanag ni Megan.

Ahh! Kaya pala… pero di ako convince, eh bakit nakangiti si Megan non?

“Maddy, okay lang ba sa’yo? Wag kang mag-iisip ng masama ha. Total friends lang naman kami ni Charles at ikaw yung fiancée nya.” Sabi ulit ni Megan.

Paano kung sabihin ko na hindi ito ‘okay’ para sa akin? Pero  hindi ko naman pwede e dikta ang gagawin nila. :( Kasi kahit engage kami ni Charles wala pa rin akong karapatan sa kanya. Hindi nya ako girlfriend at engage lang naman kami dahil sa parents namin. Pero kahit na diba? Dapat ni re-restpeto nya pa rin yon at hindi sana sya nakikipagkita sa ibang babae, kasi ako ang nagmumukhang tanga!

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now